‘Bubble G@ng’ actress na si Arny Ross, emosyonal sa kanyang kaarawan matapos sorpresahin ng isang napakagandang bahay ng fiancé!

Halu-halong emosyon ang naramdaman ng “Bubble Gang” actress na si Arny Ross matapos siyang sorpresahin ng kanyang fiancé na si Franklin Bagonon ng isang bahay sa kanyang ika-30 kaarawan nito lamang July 19. Sa Instagram account ni Arny, makikita ang ilang highlights ng pagsosorpresa ni Franklin sa kanya.

Credit: @iamarnyross Instagram

Bumungad kay Arny ang signage na hawak ni Franklin na may nakasulat na “Can we start building this dream home together?”

Kitang-kita sa naging reaksyon ni Arny ang labis na pagkagulat nang mabasa ang signage at makita ang tinutukoy ni Franklin na “dream home.”

Credit: @iamarnyross Instagram

Sa isang larawan, makikita rin ang pagiging emosyonal ni Arny habang yakap-yakap ang fiancé. Makikitang talagang pinaghandaan ng vlogger-entrepreneur ang kanyang sorpresa para kay Arny.

Kwento ni Franklin, halos isang taon niyang pinaghandaan at itinago ang sorpresa niya para kay Arny mula sa contract signing, ground breaking, pagdedesenyo at construction ng bahay.

Credit: @iamarnyross Instagram

Makikitang hindi pa ito tapos gawin ngunit ayon kay Franklin, nakahanda na ang lahat para matapos ang kanilang dream house. Sinigurado naman umano ni Franklin na pasok sa panlasa ng kanyang fiancee ang desenyo ng bahay.

Credit: @iamarnyross Instagram

“I made sure tlga na kung ano yung design ng bahay, magugustuhan niya. Kung ano yung mga nasa bahay, ichura, theme, kulay, yun yung gusto niya makita,” pahayag ni Franklin sa Instagram.

Credit: @iamarnyross Instagram

Sa huli ay sinabi ni Franklin na sulit ang kanyang paghihintay at pagsasakripisyo matapos niyang masilayan ang reaksyon ni Arny sa kanyang inihandang sorpresa.

Sabi ni Franklin, “Para dito sa reaction na ito, kaya ko tinago sayo to ng halos isang taon! Ang sarap mo pasiyahin! Sobrang sulit lahat ng pgod, hirap, sacrifices, worth it lahat!!! Happy Birthday Bhab @iamarnyross!”

Ginanap naman ang ribbon cutting para sa kanilang dream house sa mismong araw ng kaarawan ng Bubble Gang actress. Pagkatapos ay excited nilang nilibot ang buong bahay.

Credit: @iamarnyross Instagram

Samantala, inilarawan ni Arny bilang pinakamasayang araw sa kanyang buhay ang kanyang kaarawan dahil sa sorpresa na inihanda ni Franklin para sa kanya.

Bukod dito, inilarawan din ni Arny bilang “best gift ever” ang natanggap niyang sorpresa mula kay Franklin.

Abot-langit naman ang pasasalamat ni Arny sa kanyang fiancé. Ayon pa kay Arny, mag-isa man daw na sinimulan ni Franklin ang kanilang dream house, magkasabay naman daw nila itong bubuuin.

Credit: @iamarnyross Instagram

Ani Arny, “The biggest surprise in my entire life aside from his proposal…Mag isa mo tong sinimulan, ngayon sabay na nating tatapusin!…Shocks, grabe kaaaaaa, i love you Bhab maraming maraming salamat!”

Puno ng excitement rin na sinabi ni Arny, “We will work hard for our HOME baby, excited for this new chapter with you! I love you so much Baby!”

Matatandaang taong 2019 nang ma-engage sina Arny at Franklin na first year college pa lamang ay magkasintahan na.