Buboy Villar, emosyonal na inihatid ang bunsong anak sa airport na pupunta na rin sa Amerika

Bilang isang magulang, hindi talaga mapangalanan ang emosyong nararamdaman kapag anak na ang pag-uusapan pero para mas mabigyan pa sila ng magandang kinabukasan, hindi hinayaan ni Buboy Villar na maging hadlang ang kanyang pangungulila upang makamit ng mga anak ang inaasam niyang kinabukasan para sa kanila.

Credit: Buboy Villar YouTube

Isa si Buboy Villar sa mga sikat na komedyante at aktor sa industriya ng lokal na showbiz. Dahil sa kanyang makwela at magaan na personality, talagang nananatili siya sa tuktok ng kanyang career sa loob ng maraming taon. Sa likod ng kanyang ngiti at mga tawa sa telebisyon, hindi naman napipigilan ni Buboy ang pagbuhos ng kanyang luha kapag mga anak na sina Vlanz Karollyn at George Michael na ang pinag-uusapan.

Matatandaan noong Nobyembre 2021 nang hinatid ni Buboy ang kanyang panganay na anak na si Vlanz sa airport upang lumipad sa America kung saan naninirahan ngayon si Angillyn Gorens, ang ex-partner ng comedian at ang Mommy ng kanyang dalawang anak. Makalipas ang ilang buwan, si George Michael na naman ang pupunta sa America upang makapiling ang kanyang Mommy Angillyn at Ate Vlanz.

Credit: Buboy Villar YouTube

Sa vlog na ibinahagi ni Buboy nito lamang Marso, makikita ang paghatid niya sa kanyang bunso sa airport na mamamalagi umano sa America ng isang buwan.

“I’m pretty sure na sobrang miss na rin ni Angillyn si George. Kumbaga ako naman ay malungkot pero ako, okay ako basta’t para sa future ng mga anak ko .Isa-sacrifice ko ‘yan,” naluluhang sabi ni Buboy.

Dagdag pa ng komedyante, “‘Yung pagka-miss ko, andiyan na ‘yan pero mas maganda, i-secure natin ‘yung future nila.”

Credit: Buboy Villar YouTube

Bagama’t ipinangako man na hindi siya iiyak, hindi pa rin niya napigilan ang damdamin nang dumating na ang mismong araw na lilipad na si George papunta sa America.

Credit: Buboy Villar YouTube

“Mami-miss namin si George. ‘Yung kakulitan niya,” ayon kay Buboy habang pinapanood si George papasok sa airport.

Hindi talaga madali para sa isang magulang katulad ni Buboy Villar ang malayo sa kanyang mga anak. Kung noon ay ang kanyang panganay lamang ang nawalay sa kanya, ngayon naman ay pati na ang kanyang bunso pero para sa kanilang kapakanan at upang mas magkaroon pa sila ng magandang kinabukasan na alam naman niya na maibibigay nila ni Angillyn, handa ang komedyante na mangulila.