Mahirap para sa isang magulang ang mawalay sa anak kaya talagang hindi napipigilan ang pagiging emosyonal sa tuwing iniisip ng mga ito na medyo matagal-tagal nga nilang hindi makikita at masisilayan ang isa’t-isa.
Credit: Buboy Villar YouTube
Isa si Buboy sa mga kilalang aktor at komedyante sa industriya ng showbiz kung saan ay patuloy niyang napapabilib ang kanyang fans sa tuwing nagpapamalas ng kahusayan sa pag-arte. Dahil sa kanyang hindi matatawarang galing sa larangan ng acting, talagang napamahal na ang karamihan kay Buboy dahil sa tuwing naririnig ng mga ito ang kanyang pangalan, tila ba’y awtomatiko niyang napapangiti ang fans.
Simula nang binuo ni Buboy ang kanyang YouTube channel, hindi na lamang siya nakikita at napapanood sa telebisyon dahil binigyan niya ng pagkakataon ang fans na matunghayan ang kanyang buhay sa likod ng kamera kung saan ay kadalasan siyang napapanood kasama ang pamilya at mga anak na sina Vlanz at George.
Credit: Buboy Villar YouTube
Biyernes, November 26 ngayong taon nang ibinahagi ni Buboy sa YouTube ang isang vlog na ayon sa aktor ay kakaiba sa iba pa niyang vlogs dahil “special” umano ito.
“Etong araw na ito ay hindi ordinaryong vlog at hindi ordinaryong araw,” saad ni Buboy sa pinakaunang bahagi ng kanyang vlog.
Nakatakdang umalis ng bansa upang magtungo sa Amerika ang panganay ni Buboy na si Vlanz at kahit na’y iginugol ang buong oras sa nagdaang mga araw kasama ang babaeng anak, hindi pa rin napigilan ng aktor na maging emosyonal nang hinatid na ito sa airport.
Credit: Buboy Villar YouTube
Habang nasa van, nakakandong si Vlanz kay Buboy habang in-eenjoy ang panonood nila ng “Frozen”.
Sa buo nilang pag-uusap habang nasa biyahe, maya’t-maya ang pagsabi ni Buboy ng “I love you” sa anak at hinahalikan ang ulo nito.
“Gustong-gusto ko na umiyak sa airport pero pinigilan ko dahil alam kong iiyak din siya,” ayon kay Buboy.
Credit: Buboy Villar YouTube
Ngunit nang nakapasok sa van, doon na bumuhos ang luha ng aktor. Na-touch naman ang kanyang mga manonood dahil sa emosyonal na moment nilang mag-ama.
Ngayon na magkalayo sila ni Vlanz, malaki ang pasasalamat ng aktor na may social media dahil sa tuwing nami-miss ang anak, makakausap niya kaagad ito.
“Nakakalungkot lang na part ay hindi ko na siya makikita pero I’m sure na mabilis lang naman ‘yun at siyempre, thank God na meron na tayong mga social media. Meron na tayong Messenger na pwede na tayong tumawag at one call away nga kumbaga,” saad ni Buboy.
Malayo man ngayon sa isa’t-isa, wala namang makakatibag sa pagmamahal ni Buboy sa anak dahil talaga naman kasing “unbreakable” ang kanilang bond bilang mag-ama.