Buboy Villar, siniguradong present ang ex-partner niyang si Angillyn Gorens sa kaarawan ng kanilang mga anak

Bagama’t mahigit tatlong taon na simula nang nagkahiwalay ay sinisigurado pa rin ni Buboy Villar na present sa lahat ng mga importanteng okasyon ng mga anak ang dating partner nito na si Angillyn Gorens.

Credit: @buboyvillar Instagram

Kilala si Buboy Villar bilang isa sa mga maimpluwensyang personalidad sa industriya ng showbiz. Dahil sa “good vibes” na hatid ni Buboy ay talagang effortless niyang napapatawa ang kanyang mga tagasubaybay.

Maliban sa kasikatang tinatamasa ni Buboy ay hinahangaan din siya ng netizens bilang isang responsableng ama sa dalawang anak na sina Vllanz Karollyn at George Michael.

Credit: @buboyvillar Instagram

Ngayon ay nasa mabuting pangangalaga ni Buboy ang mga anak nila habang nasa Amerika naman si Angillyn.

Kahit hiwalay na ay nananatili pa ring maayos ang relasyon ni Buboy at ng dating partner. Sa katunayan ay malaki ang pagpapahalaga ni Buboy sa presensya ni Angillyn sa bawat espesyal na araw ng kanilang mga anak.

Credit: @buboyvillar Instagram

Nito lamang Agosto nang magkasunod na ipinagdiwang ni Vlanzz Karollyn at George Michael ang kanilang birthday. Sa espesyal na araw ng mga anak ay labis ang paghahanda ng kanilang Daddy Buboy upang mapasaya sila.

Biyernes, September 10 nang nagbahagi si Buboy ng isang vlog sa YouTube na pinamatagan niyang “PEBERTDEY (Kasama Dapat Nanay) Hindi pwedeng wala” kung saan ay mapapanood ang selebrasyon sa pinagsabay na kaarawan ni Vllanz at George.

Credit: @buboyvillar Instagram

At dahil nasa Amerika ang kanilang Mommy Angillyn ay talagang nag-isip ng ibang paraan si Buboy upang kahit papaano ay masaksihan ni Angillyn ang selebrasyon. Sa pamamagitan ng video call ay “virtually present” pa rin si Angillyn sa kaarawan ng mga anak.

“So siyempre, birthday ni Vllanz, malamang babati ‘yung nanay,” sabi ni Buboy.

Credit: @buboyvillar Instagram

Sinagot din ni Buboy ang kadalasang tanong ng netizens: “Sa mga nagtatanong, lagi talaga kaming nakakapag-usap ni Angillyn lalo na kapag sa mga bata.”

Ayon pa kay Buboy, palagi umano niyang binabalitaan ang ex-partner sa kaganapan sa buhay ng mga anak na talaga namang importanteng malaman ng isang nanay.

Credit: @buboyvillar Instagram

“Siyempre, lagi akong nagse-send sa kanya ng mga pictures, videos kasi kapag hindi ko nagagawa ‘yun, malamang… kapag umuwi dito, may sabunot tayo,” ayon kay Buboy.

Pagkukumpirma pa ni Buboy, talagang nananatiling maayos ang relasyon nila ni Angillyn matapos maghiwalay.

“We’re (on) good terms. Sobrang kaibigan ko ‘tong si Angillyn at of course, palagi rin siya update sa mga kaganapan ko sa buhay and yeah, we’re supporting each other.”

Credit: @buboyvillar Instagram

Talaga namang kahanga-hanga! Bagama’t hiwalay naman ay pareho pa ring responsable sina Buboy at Angillyn sa kanilang papel bilang mga magulang sa dalawa nilang anak.

Kung gusto may paraan nga naman. At ito ang pinatunayan nina Buboy at ex-partner sa pagpapalaki ng kanilang mga anak. Gusto nila ng healthy relationship para sa mga bata. Kahanga-hanga nga naman.