Buboy Villar, sinita ng isang opisyal ng barangay nang magpanggap na taong grasa at i-prank ang kaibigang si Jelai Andres

Viral ngayon sa social media ang “taong grasa” video na inupload ni Kapuso actor Buboy Villar sa kanyang YouTube channel.

Credit: Buboy Villar YouTube          

Sa vlog ay mapapanood si Buboy na nagpanggap bilang isang taong grasa para i-prank ang kanyang kaibigan at isa ring sikat na vlogger na si Jelai Andres.

Credit: Buboy Villar YouTube

Ayon sa aktor, naisip umano niyang i-prank ang kaibigan bilang pasasalamat dito dahil ito raw ang nanghikayat at nagtulak sa kanya na pasukin ang mundo ng pagva-vlog.

Credit: Buboy Villar YouTube

Para maging kapani-paniwala ang kanyang “taong grasa” character ay pinahiran ni Buboy ng itim na ink ang buo niyang katawan at nagsuot ng punit-punit na damit.

Credit: Buboy Villar YouTube

Nagsuot din si Buboy ng isang fake na ngipin at isang wig para talagang hindi siya makilala ni Jelai.

Credit: Buboy Villar YouTube

Para maisakatuparan ang kanyang prank ay kinuntsaba ni Buboy ang kanyang kapatid at ilang kaibigan nila ni Jelai.

Credit: Buboy Villar YouTube

Sa vlog, ay mapapanood si Buboy na kinakatok ang kotse kung saan nanatili si Jelai at kanilang mga kaibigan.

Credit: Buboy Villar YouTube

Sa umpisa pa lamang ay makikita si Jelai na nagsisimula nang mag-p@nick dahil sa paulit-ulit na pagkatok ni Buboy sa kanilang kotse.

Credit: Buboy Villar YouTube

Na-alarma naman si Jelai nang nakilala siya ng akala niya ay isang tunay na taong grasa.

Sa isang bahagi ng video, ay makikitang muntik nang maiyak si Jelai dahil mas nagiging agr3sibo na si Buboy sa kanyang pangangatok.

Credit: Buboy Villar YouTube

Binigyan pa ng pera at pagkain ni Jelai si Buboy para lamang umalis ito ngunit ayaw talaga siyang tantanan ng kaibigan.

Credit: Buboy Villar YouTube

Hanggang sa hindi inaasahan ay mayroong opisyal ng barangay ang huminto sa kanilang tapat at muntik nang hulih!n si Buboy dahil umano nakaka-disturbo na ito sa ibang tao.

Dahil dito, ay napilitan na si Buboy na ilantad ang kanyang totoong katauhan at sinabing pina-prank niya lang ang kanyang kaibigan.

Credit: Buboy Villar YouTube

Samantala, napuno naman ng tawanan ang video matapos malaman ni Jelai na pina-prank lang pala siya ng kaibigan. Inamin din ni Jelai na totoong natakot siya sa prank ng kaibigan.

Bago matapos ang vlog ay nagpasalamat muna si Buboy sa kanyang kaibigan.

Credit: Buboy Villar YouTube

Aniya, “Tapusin ko na ito. Gusto ko nang maligo ‘no. So, ayun marami ring salamat kasi ngayon ko lang naisip ‘to, si Jelai kasi s’yempre ikaw ‘yung nag-pursue sa akin mag-vlog, eh. Kaya sinabi ko, gusto ko i-prank talaga si Jelai. Oo, bilang pasasalamat [kaya] prinank kita.”

Agad namang nag-viral ang prank video ni Buboy.

Sa panahong isinusulat ito, ay mayroon ng mahigit 2 million views ang “taong grasa” prank vlog ni Buboy.