Bugoy Cariño at EJ Laure, masayang ikwenento ang kanilang love story

Kamakailan lamang ay ginulat ni dating child star Bugoy Cariño ang online world matapos niyang inanunsyo na siya ay isa nang ganap na ama.

Credit: Bugoy Cariño Instagram    

Para sa nakararami, makokonsidera na isang batang magulang si Bugoy dahil bago pa man niya maabot ang edad na 18 anyos ay dumating na sa kanya ang kanyang napaka-cute na anak na si Baby Scarlett. Ang kanyang nobya naman na si UAAP Volleyball star EJ Laure ay 23 anyos na at nasa tamang edad na rin.

Dahil sa pagkakalayo ng kanilang edad, madalas ay nakakatanggap sila ng mga pambabatikos mula sa mga tao. Ngunit matapang na hinarap nina Bugoy at EJ ang hindi magagandang salita na ibinabato sa kanila ng mga tao lalo na sa social media.

Credit: Bugoy Cariño Instagram

Sa kanilang guesting sa Kapamilya online show na “I Feel U”, ikwenento ni Bugoy na naging mahirap para sa kanya na mag-adjust mula sa dating buhay at ngayon na isa na siyang ama.

Ibinunyag ni Bugoy na naninibago umano siya sa mga responsibilidad na ginagampanan ng isang magulang.

Credit: Bugoy Cariño Instagram

Isa nga raw sa natutunan niya nang siya ay naging isang ama na ay ang mag-ipon hindi para sa pansariling pangangailangan kundi para sa kanyang anak na si Baby Scarlett.

Kwento ni Bugoy, “Mag-save ka ng money. ‘Tapos huwag masyadong maluho. Dapat ‘yung luho mo sa baby mo na. Hindi na sa’yo.”

Credit: Bugoy Cariño Instagram

Ikwenento rin ni Bugoy na unti-unti na umano siyang nakaka-adjust sa buhay ng isang ama dahil sa tulong na rin ng kanyang mga magulang at ni EJ. Aniya, mas tumatagal umano ay nagiging madali na sa kanya ang lahat.

Samantala, masayang ikwenento rin nina Bugoy at EJ sa online show kung paano nagsimula ang kanilang love story.

Credit: Bugoy Cariño Instagram

Ayon kay Bugoy, una umano niyang nakita si EJ sa isang volleyball game nito. Noong una ay akala umano ni Bugoy na masungit si EJ ngunit kalaunan nang napanood na niya itong maglaro ay namangha umano siya sa galing nito sa pagva-volleyball.

Ani Bugoy, “Sabi ko, ‘Sino ba ‘yan Laure, ‘yung number 9, parang masungit?’ Kasi ang taray ng kilay niya tsaka mukha…Tapos nung napanood ko, ay magaling nga! Tapos lagi ko na siyang napapanood kasi ‘yung kaibigan ko sinasama ako. Tapos ‘yung kaibigan ko pala, kilala din siya…’Tapos pinupuntahan na niya ako lagi sa [It’s] Showtime kasi hinahabol-habol niya talaga ako.”

Credit: Bugoy Cariño Instagram

Sa huli, inilarawan ni Bugoy ang klase ng pagmamahalan na mayroon sila ni EJ.

Paglalahad ni Bugoy, “Yung pagmamahalan namin ngayon, hindi po siya naging madali pero habang tumatagal, mas tumitibay ‘yung pagmamahalan namin kahit magkalayo po ‘yung edad namin. Hindi na po namin iniisip ‘yung magkalayo ang edad, basta happy si Scarlet at happy kami at nagagawa namin ‘yung mga goals namin at responsibilities sa family namin.”