Bunsong anak ni dating sexy actress Diana Zubiri na si Amira, pinagkakaguluhan sa social media dahil sa kanyang nakakabighaning mga mata!

Kilala sa Philippine showbiz industry si Diana Zubiri bilang isang mahusay na artista at dating s3xy actress.

Credit: @dianazubirismith Instagram

Isa sa mga sikat na palabas na kinabibilangan ni Diana noon ay ang fantaserye na “Encantadia” kung saan ay ginampanan niya ang karakter ni “Danaya”.

Noong 2015 naman ay ikinasal sa pangalawang beses si Diana sa model-host at Filipino-Australian businessman na si Andy Smith.

Credit: @dianazubirismith Instagram

At noon lamang October 2020, winelcome nila ang kanilang bunsong anak na si Baby Amira Jade.
Hindi nga magkamayaw ang mga netizen sa taglay na kagandahan at ka-cute-an ni Baby Amira.

Maraming netizens ang na-in love kay Baby Amira lalo na sa kanyang napakagandang pares na mga mata.

Tila nangungusap ang magagandang mga mata ni Baby Amira sa kanyang mga letrato. Hindi rin maipagkakaila ang pagkakaroon ng dugong banyaga ni Baby Amira dahil sa kulay ng kanyang mga mata.

Sa Instagram post ni Diana ay ibinahagi niya ang nakakagigil na mga letrato ni Baby Amira. Bungisngis at nakakahawa ang ngiti ni Baby Amira sa mga letrato na talaga namang nagdudulot ng kasiyahan sa mga netizen. Komento ng netizens:

Credit: @dianazubirismith Instagram

“Waaahh! Super cute! Ang lusog ni baby, kagigil”

“Cute yan ang tawang free of everything wala problema hehehe”

“So pretty ang ganda ganda din ng eyes niya”

“Omgee those eyes are also smiling awww super baby love”

Credit: @dianazubirismith Instagram

Samantala, kanya-kanyang hula naman ang netizens sa totoong kulay ng mga mata ni Baby Amira na sobrang nakakabighaning tingnan. Dahil sa kanyang mga mata at maputing kutis kaya naman nagmimistulang isang buhay na manika si Baby Amira. Tanong ng ilang netizens:

“Ganda ng eyes! Blue po ba or gray?”

“Are her eyes gray? So cool?”

Kamakailan lamang din ay ipinagdiwang nina Diana ang ika-9 na buwang gulang ni Baby Amira. Parang kailan lang noong sobrang liit pa ni Baby Amira at ngayon nga ay malaki na siya at napakabibo ring bata. Gayunpaman, hindi nawawala ang kanyang cuteness na pinupuri naman ng marami.

Credit: @dianazubirismith Instagram

Maliban kay Baby Amira ay may isang anak pa sina Diana at Andy na si Aliyah na isinilang noong 2016.

Ang panganay naman ni Diana na si King ay anak niya sa kanyang dating asawa.