Bunsong anak ni Neri Naig at Chito Miranda, may sarili ng condominium!

Wala talagang ibang kagustuhan ang lahat ng parents kung hindi ay mabigyan ng magandang buhay at kinabukasan ang kanilang mga anak ngunit kung karamihan sa kanila ay pagdodoble kayod sa trabaho ang ginagawa upang matutusan ang lahat ng pangangailangan ng kanilang mga anak, kakaibang approach naman ang ginagamit ng couple na si Neri Naig at Chito Miranda dahil sa napakamurang edad ng kanilang mga chikiting, sinasanay na nila itong maging wais financially.

Credit: @mrsnerimiranda Instagram

Matagal ng aware ang karamihan sa celebrities na hindi talaga kailanman stable ang katayuan nila sa showbiz dahil sa paglipas ng mga taon, iilan sa kanila ay napag-iiwanan ng panahon dahil sa patuloy na pag-angat sa kasikatan ng mga bagong artista sa industriya kaya marami talaga sa kanila ang may investments at backup plans pero tila’y kakaiba talaga kapag natural na wais sa buhay katulad na lamang ni Neri Naig-Miranda na nagsilbi lang namang example para sa karamihan dahil sa pagiging smart niya sa usapang pera.

Matagal na namang hinahangaan ng karamihan ang tinaguriang wais na misis sa showbiz dahil bukod sa pagiging abala niya sa kanyang career bilang aktres at duties niya bilang isang asawa at Momshie sa mga anak nila ni Chito Miranda, kayang-kaya pa rin ni Neri na ipagsabay ang pagma-manage sa kanyang multiple na business at investments.

Credit: @mrsnerimiranda Instagram

Matatandaan kumakailan lamang nang ibinalita ng aktres na may sariling condo na kanilang panganay na si Miggy at ngayong tapos na umano nila ‘yung bayaran, ang kanilang bunso naman na si baby Cash ang binigyan nila ng condo na ayon kay Neri ay binabayaran umano nila kada buwan gamit ang sariling pera ng anak na kinikita nito sa endorsements.

“Lahat ng kinita nya sa endorsements, dito ko nilalagay. Gusto ko habang lumalaki ang mga bata, nakikita nila yung mga pinagtrabahuan nila,” pahayag ni Neri kalakip ng larawan nila ng asawa kasama si baby Cash na kuha sa bagong condo.

Credit: @mrsnerimiranda Instagram

Ayon kay Neri, ang condo umano na ito ang magiging unang negosyo ni baby Cash dahil gusto umano nila ng asawa na matuto ang kanilang mga anak na maging wais sa pera.

“Eto rin ang magiging first negosyo ni Cash. Kagaya ni Kuya Miggy, ipapa-rent din namin to. Para mag generate ng income at mas makapag ipon pa sila,” saad ng celebrity Momshie.

Credit: @mrsnerimiranda Instagram

Sa early na exposure ni baby Cash sa pagiging isang wais na spender, tiyak na mamamana niya ang pagiging smart ng kanyang Mommy sa finances at investments.