Bunsong anak ni Vhong Navarro, grumaduate na sa kolehiyo!

Ang tagumpay ng mga anak ay kaligayahan na palaging ipinagdidiwang ng kanilang mga magulang. Bilang isang parent, wala talagang mas isasaya pa sa tuwing nakikita ang kanilang mga anak na naaabot ang kanilang mga pangarap sa buhay katulad na lamang ni Vhong Navarro na ipinagmamalaki ngayon sa publiko ang achievement ng kanyang anak.

Credit:Β @vhongx44 Instagram

Kung sa telebisyon ay walang humpay ang naibibigay na kilig ng isang Vhong Navarro sa bawat moves at pick-up lines, hindi naman malayo sa ipinapakitang personalidad niya sa telebisyon ang totoo niyang pagkatao. Hindi lamang siya isang mapagmahal na asawa kay Tanya Bautista dahil isa rin siyang sweet at proud na ama sa mga anak.

Kung kadalasan sa mga Daddy ay hindi madalas nagpapakita ng affection sa kanilang mga anak, ibang-iba naman si Vhong dahil sa bawat pagkakataon, ipinagmamalaki niya ang mga anak na sina Frederick at Isaiah lalo na kapag nakakasungkit ito ng achievement.

Credit:Β @vhongx44 Instagram

Matapos ang ilang taon na pagpupursige sa pag-aaral, sa wakas ay nakapagtapos na ang bunsong anak ni Vhong at ex-wife na si Bianca Lapus sa kolehiyo dahilan kung bakit doble ang kasiyahang nararamdaman nila ngayon.

Sa post ni Vhong sa Instagram, ibinahagi niya na sobra siyang proud sa achievement na ito ni Isaiah.

“Masarap sa pakiramdam bilang magulang na makatapos ng pag-aaral ang anak nila. Maraming salamat @yceking sobrang nakaka proud ka! ❀️😘 We love you much! 😍,” pahayag ng “It’s Showtime” host sa kanyang caption kalakip ng mga larawang kuha niya sa graduation ceremony ng anak.

Credit:Β @vhongx44 Instagram

Makikita rin sa mga larawang ibinahagi ni Vhong na kasama niya sa special na araw na ito ang dati niyang asawa na si Bianca Lapus na katulad niya ay abot-langit din ang kasiyahan at pasasalamat sa Diyos.

Sa comment section ng mismong post ni Vhong, nagpahayag ng pagbati ang fans at kapwa niya celebrities. Iilan sa mga ito ay ang mga katrabaho niya sa noontime show na “It’s Showtime”.

“@yceking congratulations! πŸ‘πŸ‘πŸ‘πŸŽ‰,” pagbati ni Ion Perez.

Credit:Β @vhongx44 Instagram

“Congrats!!!! 🎊” sabi ni Ogie Alcasid.

Isa namang magkakasunod na “πŸ‘πŸΌπŸ‘πŸΌπŸ‘πŸΌ” ang komento ni Jugs Jugueta.

Sa bawat kabiguan at tagumpay ng mga anak, hindi kailanman nawawalan ng tiwala ang mga magulang. Katulad ng kanilang hindi masusukat na pagmamahal, patuloy sila sa pagbibigay ng suporta upang maabot ng kanilang mga anak ang mga pangarap nila sa buhay.