Bunsong anak nila Iya Villania at Drew Arellano, kinatuwaan sa social media dahil sa kanyang nakakaaliw na tawa

Sabi nga nila wala nang mas sasaya pa sa hatid na kaligayahan ng tawa ng isang sanggol. Tunay nga ang tawa ng isang sanggol ang isa sa pinakamasarap madinig. Kapag maririnig mo nga ang kanilang napaka-inosente at masasabi mo talagang genuine o tunay na tawa ay mahahawa ka at mapapatawa na rin.

Credit: Iya Villania Arellano Instagram     

Kagaya na lamang ng tawa ng napakagandang bunsong anak at unica hija nina TV host Iya Villania at Drew Arellano na si Baby Alana Lauren.

Kinatuwaan sa social media ang napakasarap sa pandinig na tawa at hagikhik ni Baby Alana Lauren. Hindi pinalagpas ni Iya na maibahagi sa netizens ang unang napakalakas na tawa at hagikhik ng kanyang dalawang buwang gulang na anak.

Sa video na kinunan ng tagapangalaga ni Baby Alana Lauren, mapapanood ang cute na cute na sanggol na hinahalikan sa braso ng kanyang Kuya Primo, ang panganay na anak nina Iya at Drew.

Credit: Iya Villania Arellano Instagram

Tila nakikiliti si Baby Alana Lauren kaya tuwang-tuwa ito sa kanyang Kuya Primo. Maririnig din sa video ang nakakatuwang tawa ni Primo.

Ayon kay Iya, dali-dali umano siyang pumunta sa kinaroroonan ng kanyang dalawang anak nang marinig ang tawa ng anak.

Credit: Iya Villania Arellano Instagram

Nasa kabilang bahagi raw kasi si Iya ng kanilang bahay at inaayos ang kanyang script para sa kanyang taping nang marinig niya ang tawa ni Baby Alana Lauren na nangingibabaw sa tawa ng kanyang Kuya Primo.

Katulad ng ibang mga magulang ay “priceless” din maituturing ni Iya ang nakakatuwang tawa ni Baby Alana Lauren.

Samantala, pinusuan naman ng maraming netizen ang nak@k@hawang tawa ni Baby Alana.

Credit: Iya Villania Arellano Instagram

Sa ngayon, mahigit 300K na ang nakapanood na sa video na i-pinost ni Iya.

“Awwe its my first time seeing alana laugh this much and its because of his kya 😭”

“So pretty and cute baby Alana and so sweet kuya Primo.”

“Galing tlga ni kuya primo magpasaya ng mga kapatid nya. Ang sweet! 😍💖💖”

Credit: Iya Villania Arellano Instagram

“Awwwwwwwwwww. nakakadala ung tawa ni Alana. Sweet Kuya Primo.”

“Sarap naman ng tawa ni Alana nakakatuwa kagigil pa”

“Paulit-ulit kung pinapanood sarap ng tawa ni baby Alana”

Credit: Iya Villania Arellano Instagram

Si Baby Alana Lauren ay ang ikatlong anak nina Iya at Drew na isinilang noong July 18, 2020.