Bunsong anak nila Ryan Agoncillo at Judy Ann Santos na si Luna, usap-usapan ngayon dahil sa ipinakitang galing sa pag-vlog

Isang nakakatuwang video ang napanood ng mga netizen sa Instagram account ni TV host-actor Ryan Agoncillo.

Credit: Ryan Agoncillo Instagram      

Sa maikling video na ibinahagi ni Ryan ay tampok ang nakakatuwang pagba-vlog ng bunsong anak nila ni Judy Ann Santos na si Luna.

“random videos i find on my ipad,” sulat ni Ryan sa caption.

Credit: Ryan Agoncillo Instagram

Mapapanood sa video ang magiliw na pagbati ni Luna sa kanyang mga “subscriber”. Sa video ay makikita si Luna na nasa loob ng kwarto ng kanyang mga magulang.

Credit: Ryan Agoncillo Instagram

Pagsisimula pa ni Luna sa kanyang mini-vlog, “Hello guys. Welcome back to my channel! So I am in Mommy and Daddy’s room.”

Isang “natural” si Luna sa pagba-vlog. Kagaya ng mga napapanood natin sa mga vlog ay nag-mini “haul” din si Luna. Kumuha ito ng isang unan at remote para ipakita sa kanyang subscribers.

Credit: Ryan Agoncillo Instagram

Habang ipinapakita naman ni Luna ang remote ay bigla na lamang niya itong itinapon. Maririnig sa background ang matinding pagbagsak ng remote.

Maririnig naman sa background ang boses ng kanyang Kuya Lucho na sinasabihan siya na huwag itapon ang remote.

 

View this post on Instagram

 

random videos i find on my ipad🤣

A post shared by Ryan Agoncillo (@ryan_agoncillo) on

Aliw na aliw naman ang maraming netizens sa kacute-an at kakulitan ni Baby Luna. Komento ng netizens:

“All I can say is that she is so pretty and charming in her ways”

Credit: Ryan Agoncillo Instagram

“Beauty and brain talaga c luna more videos pa bitin eh.”

“Omg so cute baby luna!”

“Galing galing ni Baby girl Luna! You’re so cute and smart Luna!”

“Rye! My goodness! She is so adorable. May pinagmanahan. What’s her channel? Will follow.”

Credit: Ryan Agoncillo Instagram

Samantala, viral agad ang video ni Baby Luna. Sa ngayon, mahigit 250K na ang views niya. Maraming netizens naman ang nakapagsabi na may future si Baby Luna sa pagba-vlog. Anila, pwede na umano itong gumawa ng sarili niyang YouTube channel.

Credit: Ryan Agoncillo Instagram

“Ganda ng intro pwede na magvlog”

“What a cute future vlogger”

“Sooo adorable this little girl…Vlog na sir Ryan.”

Credit: Ryan Agoncillo Instagram

“Hahahaha gawa na ng youtube channel Luna promise mag-subscribe.”

Nitong January 8, 2020 lamang ay nagdiwang ng kanyang ika-4 na taong kaarawan si Juana Luisa o Luna.