Camille Prats at kanyang pamilya, malapit nang lumipat sa kanilang pinagawang dream house

Isa na namang magandang balita ang baon ni Mareng Camille Prats sa netizens dahil ayon sa kanya, malapit na umano silang lumipat ng pamilya sa kanilang bagong bahay!

Credit: @camilleprats Instagram

Simula nang nagkaroon ng p@ndemya, maraming nawalan o natanggal sa kani-kanilang trabaho. Marami ring establishment at kompanya ang nagsara at nahinto. May mga buildings at imprastraktura ang natigil pero sa kabila ng lahat ng ito, nagawa pa rin ng aktres at “Mars Pa More” TV host na si Camille Prats na ipagpatuloy ang pagpapagawa nila ng asawa na si VJ Yambao ng kanilang bagong bahay kahit na’y medyo mabagal ang daloy ng trabaho lalo na’t sobrang dami nang ipinagbabawal ‘nung unang mga buwan ng taong 2019.

Credit: @camilleprats Instagram

Abril noong nakaraang taon nang ibinahagi ni Camille sa kanyang Instagram account ang progress ng ipinapagawa nilang bahay. Makikita sa mga larawang ibinahagi ng aktres at TV host na malapit na itong matapos at kumakailan lamang, may update siya sa pinaka-recent na progreso sa pamamagitan ng kanyang vlog.

“It’s already Mid-March at kami ay lipat na lipat na. The house is finally almost done after almost 2 years or building it,” pagbabalita ni Camille.

Pagkukuwento pa niya, hindi umano naging madali ang pagco-construct ng kanilang bahay sa kalagitnaan ng p@ndemic lalo na’t marami umanong restrictions.

“Siyempre the struggle and challenges of building it during the pandemic, ang daming restrictions and protocols, and all those things. Finally, we are nearing the finish line,” excited na pahayag ni Camille.

Credit: Camille Prats Yambao YouTube

Ipinasilip naman ng “Mars Pa More” TV host ang loob ng lilipatan nilang bahay. Na-install na umano ang lights at tapos na rin ang ceiling. Mapapansin din na halos glass ang kanilang walls dahil ayon kay Camille, gusto nila ng asawa niyang si VJ na ma-enjoy ang magandang view sa labas mula sa loob ng kanilang bahay.

“On the other side of the house, it’s all glass because we want to be able to appreciate the view from our living room,” aniya.

Credit: Camille Prats Yambao YouTube

Bagama’t hindi pa man tuluyang natatapos ang kanilang kitchen, masasabi naman na malapit na itong makumpleto lalo na’t laminates at wood works na lamang ang kailangan i-install.

Ipinasilip din ni Camille ang ikalawang palapag ng kanilang bahay kung nasaan ang master’s bedroom, playroom at ang kwarto ng kanilang mga anak.

Credit: Camille Prats Yambao YouTube

Hindi pa man tuluyang natatapos at sobrang empty pa man ng buong lugar lalo na’t wala pang inilalagay na furniture, malaki na ang anticipation ni Camille na mapupuno ng magagandang alaala ang bago nilang bahay.