Camille Prats at non-showbiz husband, ipinasilip ang malapit nang matapos na ipinapagawang dream house

Kitang-kita ang excitement sa mukha ng dating child actress at ngayon ay host na si Camille Prats habang ipinapasyal niya ang kanyang mga subscriber sa bagong bahay na ipinapatayo nila ng kanyang mister na si VJ Yambao.

Sa kanyang vlog ay ipinasilip ni Camille at VJ ang mga bahagi ng kanilang ipinapatayong tatlong palapag na bahay.

Credit: @camilleprats Instagram

Una nilang ipinasilip na mag-asawa ang basement ng bahay kung saan ay matatagpuan ang “mancave” ni VJ na pinalagyan nila ng mini-bar station. Bukod sa mancave ni VJ, makikita rin sa basement ng bahay ang kanilang gym at garage area.

Credit: @camilleprats Instagram

Pag-akyat mo naman mula sa basement papunta sa unang palapag ng bagay ay bubungad sa iyo ang isang foyer. Matatagpuan din sa unang palapag ng bahay nina Camille ang kanilang malawak na living area, dining area at kitchen room.

Sinabi naman ni Camille na mas pinili nilang sliding doors at pawang malalaking bintana ang ipalagay sa living area upang maging maaliwalas ang buong lugar at pumasok ang natural light. Bukod pa rito, idinagdag din ni Camille na gusto nilang ma-enjoy ang napakagandang view sa labas mula sa loob ng kanilang bahay.

Credit: Camille Prats Yambao YouTube

Samantala, ibinahagi naman ni Camille na ang second floor ng kanilang bahay ay nakalaan para maging bonding place nilang magpamilya. Sa second floor kasi makikita ang kanilang family hall na magsisilbimg playroom, study area ng kanilang mga anak at entertainment area nilang magpamilya.

Credit: @camilleprats Instagram

Ikwenento naman ni Camille na mula nang simulan ang construction ng bahay noong 2019 ay labis nilang tinutukan na mag-asawa ang pagpapagawa rito.

Ani Camille, “VJ and I has been very, very hands on with the construction of the house…Well, grabe siya (VJ), siya todo talaga like 100% (hands on). I’m probably about like 70% hands on…”

Credit: Camille Prats Yambao YouTube

Ayon naman may Camille, malaki ang kanyang pasasalamat dahil ang kanyang ama ang contractor ng ipinapatayo nilang bahay. Pag-amin pa ni Camille, maswerte silang mag-asawa dahil labis na mapagkakatiwalaan ang gumagawa ng kanilang bahay.

Credit: @camilleprats Instagram

“My Dad is the one who’s constructing the house. And we’re very, very blessed na siyempre tatay ko yung contractor namin kasi he’s someone we can trust and definitely, he wants the best for us,” ani Camille.

Personal space naman nina Camille at VJ ang ikatlong palapag ng kanilang bahay kung saan makikita ang kanilang office at master’s bedroom. Bukod dito, ibinahagi rin ni Camille na magsisilbing bonding place nilang mag-asawa ang balcony ng nasabing palapag.

Credit: @camilleprats Instagram

Ayon naman kay Camille, malapit nang matapos ang kanilang bahay dahil nasa finishing stages na ito ng construction. Gayunpaman, sinabi ni Camille na wala pang eksaktong petsa kung kailan ito matatapos. Sa kabila nito, nangako pa rin si Camille na patuloy siyang magbibigay update sa kanilang ipinapatayong bahay.