Camille Prats, may nakakakilig na mensahe para sa kaarawan ng kanyang “grade school crushie”

Isang nakakakilig na mensahe ang ibinahagi ng TV host-actress na si Camille Prats para sa kaarawan ng kanyang mister na si VJ Yambao. Sa kanyang Instagram account, nagbahagi si Camille ng ilang sweet photos nilang mag-asawa na kuha mula sa kanilang bakasyon abroad at bonding moments habang nagwo-workout.

Credit: @camilleprats Instagram

Sa caption ng kanyang post, inilarawan ni Camille kung gaano siya kaswerte sa kanyang mister dahil isa umano itong mabuting partner at mapagmahal na tatay sa kanilang mga anak.

Credit: @camilleprats Instagram

“How do I know God loves me? It’s through you. How you love me, how you treat me, how you talk to me, value my thoughts and opinions, always puts me first before yourself, play with the kids, be a partner in everything we do.. I could go on and on,” pahayag ni Camille sa Instagram.

“You are truly God’s gift to me and our children. Sa dad jokes mo palang na ubod ng corny, kilig na kilig na ako,” dagdag pa niya.

Credit: @camilleprats Instagram

Hindi naman napigilan ni Camille na maging emosyonal nang ibahagi niya ang masayang bahagi ng pagsasama nila ni VJ.

Ani Camille, “Growing in faith with you has been the best thing that has happened to our marriage.”

May pangako rin si Camille para sa kanyang “grade school crushie.” Lingid sa kaalaman ng marami, sina Camille at VJ ay magkakilala na mula pa noong sila ay nasa elementarya. Base sa kwento ni Camille sa isang panayam, naging magkaklase sila ni VJ noong sila ay nasa Grade 2. Ngunit muli lamang nagtagpo ang kanilang landas makalipas ang 20 taon.

Credit: @camilleprats Instagram

“In the ever-changing seasons of our lives, I will be here through it all. Happy Birthday, gradeschool crushie,” mensahe ni Camille sa kanyang mister.

Dagdag pa niya, “Ps. Dito nalang muna tayo mag travel ha @vjyambao1 Flex ko narin ang masels na pinaghihirapan mo araw araw.”

Sina Camille at VJ ay ikinasal noong 2017 at sa mahigit 4 na taon nilang pagiging mag-asawa ay biniyayaan sila ng dalawang anak na sina Nala at Nolan.

Credit: @camilleprats Instagram

Bukod naman kina Nala at Nolan, may isa pang anak si Camille na si Nathaniel Linsangan na anak niya mula sa kanyang yumaong asawa.

Samantalang si VJ ay may isa namang anak na lalaki sa kanyang dating karelasyon. Kamakailan lamang ay ibinahagi nina Camille at VJ na malapit nang matapos ang ipinapatayo nilang “dream house” para sa kanilang pamilya.