Camille Prats, nagbigay pasilip sa ipinapagawang “dream house” nila ng kanyang non-showbiz husband na malapit nang matapos

Isa sa mga pangarap at marahil prayoridad ng bawat mag-asawa ang makapagtayo ng kanilang sariling bahay kung saan nila bubuin ang kanilang pamilya at palalakihin ang kanilang mga anak.

Credit:Β @camilleprats Instagram

Wala ngang mapagsidlan ang kaligayan ng actress-host na si Camille Prats at ng kanyang mister na si VJ Yambao dahil malapit nang matapos ang bahay na ipinapagawa nila para sa lumalaki nilang pamilya.

Hindi lingid sa kaalaman ng lahat na mayroong isang anak si Camille sa kanyang [email protected] mister at maging si VJ ay mayroon ding anak sa dati nitong karelasyon. At matapos naman silang ikasal noong 2017, biniyayaan naman sila ng Panginoon ng dalawang anak na sina Nala at Nolan.

Kamakailan lamang ay nagbigay ng update si Camille sa kanyang social media account sa ipinapagawa nilang bahay ni VJ.

Credit:Β @camilleprats Instagram

Matatandaan na noong December 2019 pa sinimulan ang konstruksyon ng kanilang bahay na ayon kay Camille, “dream house” umano nilang mag-asawa.

At ngayon nga ay malapit nang matapos ang pinapangarap nilang bahay dahil nasa “finishing stage” na ang konstruksyon nito.

Maraming beses din na nahinto ang pagpapagawa ng bahay nina Camille dahil na rin sa mga ipinapatupad na l0ckdown at maging dahil sa mga bagyo na dumating sa bansa noong nakaraang taon.

Kaya naman sobrang excited na si Camille at ang kanyang pamilya dahil sa wakas ay malapit nang matapos ang kanilang bahay.

Credit:Β @camilleprats Instagram

Sa kanyang Instagram, ipinasilip ni Camille ang loob ng kanilang ipinapagawang bahay. Makikita na malawak ito at mayroong dalawang palapag na perfect sa isang malaking pamilya.

Samantala, aminado naman si Camille na nakakaramdam siya ng kaba dahil nasa “finishing stage” na nga ang pagpapagawa nila ng kanyang bahay.

“Onto the”finishing” stage. πŸ€— They say this is the most challenging as well as the most exciting part πŸ€—πŸ™ˆ aaaaaand, for me, also the most nakakanerbiyos,” pahayag pa ni Camille sa Instagram.

Gayunpaman, positibo pa rin si Camille sapagkat ipinagkaloob umano sa kanila ng Panginoon ang lahat sa pagbuo ng kanilang bahay.

Credit:Β @camilleprats Instagram

Ani Camille, “But, God is my builder. I am left amazed and speechless for He has undoubtedly been faithfully providing for this house. πŸ™ŒπŸΌπŸ˜­ Exciting times ahead β˜ΊοΈπŸ™πŸΌ @vjyambao1 @dspratsconstruction”

Sa kasalukuyan ay napapanood pa rin si Camille araw-araw sa kanyang morning talk show kasama si Iya Villania-Arellano na “Mars Pa More” sa Kapuso network.