Nagsimula sa kanyang fitness journey ang aktres na si Camille Prats noong nakaraang taon nang sinimulang ipatupad ang l0ckdown sa bansa dahil sa p@ndemya.
Credit: @camilleprats Instagram
At isa sa mga pinagkaabalahan nila ng kanyang mister na si VJ Yambao ay kung paano pa mas mapalakas at mapabuti hindi lamang ang kanilang katawan kundi pati na rin ang kanilang kalusugan sa pamamagitan ng pag-eehersisyo.
Halos isang taon naman matapos nilang simulan ng kanyang mister ang kanilang fitness journey ay kapansin-pansin na ang malaking pagbabago sa katawan ni Camille.
Malayo na nga ang narating ni Camille sa kanyang fitness journey at patunay dito ang mas fit niyang katawan ngayon.
Maraming netizens ang humanga sa pagbabago sa katawan ni Camille na makikita sa kanyang ipinost na TikTok video kung saan ay ipinamalas niya ang kanyang galing sa pagsasayaw.
Credit: @camilleprats Instagram
Umani ng maraming komento ang nasabing video ni Camille dahil kitang-kita ang laki ng kanyang ipinayat. Suot ang isang tank top at shorts ay makikitang mas lalong nadepina ang hubog ng katawan ni Camille dahil sa kanyang toned muscles na resulta ng kanyang araw-araw na pag-eehersisyo.
Maliban sa kanyang sexy figure, ibinida rin ni Camille ang kanyang new hairstyle na mas lalong nagpalitaw sa kanyang magandang mukha.
“Celebrating my birth month with a tiktok dance ❤️😄😃 launching na din ng short hair ko 😆 thaaanks to my mars @jingmonis,” aniya sa caption ng video.
View this post on Instagram
Dahil sa new look ni Camille, maraming netizens ang nakapagsabing pabata nang pabata ang kanyang hitsura.
Kabilang sa mga pumuri kay Camille ay ilan sa kanyang mga kasamahan sa showbiz.
Ani Kris Bernal, “Getting younger and younger marsss!”
Komento ni Valerie Concepcion, “Ganda ng katawan mo mars! Ang payat and toned!!! Love it!”
Credit: @camilleprats Instagram
Pabiro namang komento ni Neri Miranda, “Ay oh! Dalaga na talaga si Princess Sarah!”
Saad ni LJ Reyes, “I love the hair mars!!!!”
Samantala, sa isang hiwalay na post, ibinahagi ni Camille na isa ang pagiging ‘active’ sa mga panl@ban niya para manatiling ‘young’ at ‘healthy’.
View this post on Instagram
Ani Camille, “Another day, another blessing! Being active is my best weap0n to staying young and healthy. Start the day with your daily dose of vitamin and a quick workout to keep your bones moving and blood flowing. Trust me, it will make you feel energized all throughout the day!”
Tunay nga namang sa paglipas ng panahon ay hindi kumupas ang taglay na ganda ni Camille na tumatak sa marami bilang child actress na gumanap na ‘Princess Sarah’ sa sikat na 90s drama series na “Sarah… Ang Munting Prinsesa.”