Candy Pangilinan, iginiit na isang himala ang kanyang anak na si Quentin at ito ang kanyang “ticket to heaven”

Inspirasyon na maituturing ang aktres na si Candy Pangilinan ngayon sa maraming netizens matapos makita ng lahat kung gaano siya ka dakila bilang isang ina sa kanyang anak na si Quentin.

Credit: @candypangilinan Instagram

Bukod nga sa pagiging isang masipag na working mom, isa ring single mom si Candy. Mag-isang itinataguyod at inaalagaan ni Candy ang kanyang anak na si Quentin mula nang maghiwalay sila ng kanyang dating asawang si Gilbert Alvarado.

Naging masalimuot ang hiwalayan noon ni Candy at ng kanyang dating asawa. Umpisa pa lamang kasi ay nagkaroon na ng lamat ang kanilang pagsasama bilang mag-asawa at kalaunan ay nagkahiwalay din sila nito.

Credit: @candypangilinan Instagram

Sa ngayon, masayang pinapalaki ni Candy si Quentin kahit pa may mga pagkakataon na nahihirapan siya sa pagpapalaki rito. Hindi lingid sa kaalaman ng marami na may espesyal na pangangailangan si Quentin bilang isang bata na labis-labis naman na pinagsusumikapan ni Candy na tugunan.

Credit: @candypangilinan Instagram

At kamakailan, nang mag-guest siya sa morning talk show na “Magandang Buhay”, inamin ni Candy na kung may isang tao man na mayroong malaking impluwensiya sa kanyang buhay, ito ay walang iba kundi si Quentin. Aminado si Candy na binago ni Quentin ang kanyang buhay.

Credit: @candypangilinan Instagram

Nauna nang ipinahayag ni Candy sa panayam sa kanya ng host na si Toni Gonzaga na mapapanood naman sa YouTube channel nito na itinuturing niyang ‘himala’ si Quentin. Idinagdag pa ni Candy na ‘ticket to heaven’ niya si Quentin. Ani Candy, tinuruan siya ni Quentin ng ‘pasensya, tolerance, at mamuhay nang simple’.

Kung bibigyan nga si Candy ng pagkakataon na ‘ulitin’ ang kanyang buhay, pipiliin at pipiliin pa rin umano niya na maging anak si Quentin.

Credit: @candypangilinan Instagram

Ani Candy, “For Quentin, thank you very much for being you. Maraming nagtatanong sa akin, kung uulitin ko raw ang buhay ko, kung okay lang na si Quentin ulit ang maging anak ko, yes.”

Dagdag niya, “Ayos lang. Okay lang. Tanggap ko na. Parati ko ngang sinasabi na, Quentin is my ticket to heaven, and I think more than na binago ko ang buhay ni Quentin, I think binago ni Quentin ang buhay ko.”

Samantala, may positibong naidulot naman ang qu@rantine para kina Candy at Quentin. Kwento ni Candy, mas naging malapit sila ni Quentin ngayong panahon ng p@ndemya.

Credit: @candypangilinan Instagram

Mapapanood ang inspiring at masayang mother-and-son bonding moments nina Candy at Quentin sa kanilang YouTube channel.