Candy Pangilinan, na-touch sa kabaitan ng anak na gustong ipaubaya sa kanya ang bago nitong laptop

Ibinahagi ng comedian-actress at single mom na si Candy Pangilinan sa kanyang mga social media account nitong Lunes, September 6, ang pagbabalik-eskwela ng kanyang unico hijo na si Quentin Alvarado.

Credit: @candypangilinan Instagram

Sa kanyang Instagram, ipinost ni Candy ang litrato ni Quentin na may sinusulat sa kanyang notebook habang nakaharap sa isang bagong-bagong laptop.

Ayon kay Candy, binilhan niya ng brandnew laptop ang kanyang anak para sa pagpasok nito sa bagong school year dahil nanghihiram lamang umano ito ng Ipad.

Credit: @candypangilinan Instagram

Laking gulat nga raw niya nang sabihin ni Quentin na sa kanya na lamang ang binili niyang laptop. Nakita umano kasi ni Quentin na gusto niya ang bagong laptop kaya naman nag-suggest ito na magpalit sila.

Kwento pa ni Candy, ipinaubaya ni Quentin sa kanya ang bagong laptop bilang “reward” umano niya sa kanyang pagiging mabuti.

“Quentin’s 1st day of class. Bought him a new laptop kasi nga borrowing lang siya ng ipad kay Nini,” saad ni Candy.

Credit: @candypangilinan Instagram

“When he saw that I like his new laptop, sabi niya…’mom, yours na lang my laptop. That’s your reward for being good. Exchange na lang tayo. I can have your old laptop,” dagdag niya.

Puno naman ng pagpapasalamat si Candy dahil sa kabaitan ng anak na itinuturing niyang napakagandang biyaya.

Inihayag din ni Candy sa kanyang post ang kahalagahan ng pagiging “sensitibo” sa pakiramdam ng ibang tao na natutunan niya mula sa nakakaantig na kilos ng kanyang anak.

Credit: @candypangilinan Instagram

Aniya, “Hay! Thank you Lord for a wonderful blessing. Sensitivity indeed warms the heart of the people around you. We need to be sensitive to the need of the people around us. Let’s start with our family members.”

“Have a great week ahead. Spread kindness,” dagdag niya pa.

Credit: @candypangilinan Instagram

Lingid sa kaalaman ng karamihan, na-diagn0se na mayroong Aut!sm at Attention Deficit Hyperactivity D!sorder (ADHD) si Quentin na 17-taong gulang na ngayon.

Mula naman noong bukas na ibahagi ni Candy ang kanyang mga karanasan sa pag-aalaga ng isang bata na may mga espesyal na pangangailangan, nakita ng mga tao kung gaano siya kalakas bilang isang ina at isang babae.

Credit: @candypangilinan Instagram

Ngayon, si Candy ay nagsisilbing isang inspirasyon sa marami lalo na sa mga kapwa niya magulang na mayroong parehong karanasan sa kanya.