Caridad Sanchez, game na game pa rin sa pagjo-jogging sa edad na 88!

Bagama’t natural naman ang pagiging mahina dulot ng katandaan, hindi naman nagpapaapekto at nagpapadala sa kahinaan si Caridad Sanchez dahil hanggang ngayon, game na game pa rin siya sa pagjo-jogging.

Credit: Caridad Sanchez Facebook

Isa si Caridad sa mga aktres na talagang hinahangaan at tinitingala noong kanyang kapanahunan dahil sa kanyang husay at galing sa pag-arte. Bagama’t marami namang taon ang lumipas at marami namang mga bagong artista ang sumikat at kasalukuyan ngayong nangunguna sa mundo ng showbiz, buhay na buhay pa rin ang kanyang fame at reputasyon.

Sa nagdaang mga panahon, marami sa fans ni Caridad ang nagtataka at nagtatanong kung nasaan na nga ba ngayon ang kanilang idol. Mabuti na lamang at kahit na’y mas pinili ng beteranang aktres na magkaroon ng simple at tahimik na buhay sa labas ng showbiz, nakakamusta naman siya sa pamamagitan ng kanyang mga anak na sina Cathy at Alexander Joseph Sanchez-Babao.

Sa katunayan, aktibo at sobrang game pa rin ang 88 taong gulang na dating aktres sa pag-eehersisyo. Sa video na ibinahagi ni Salve Asis, isang editor sa Pilipino Star Ngayon Entertainment at Pang-masa, mapapanood si Caridad na nagjo-jogging. Kahit na’y 88 taong gulang naman ngayon, talagang hindi naging hadlang para sa beteranang aktres ang kanyang edad dahil sobrang healthy at aktibo pa rin nito.

Credit: Salve V. Asis Facebook

Dulot ng katandaan ni Caridad, inamin ng kanyang anak na si Cathy Sanchez Babao na may “dementia” ang kanyang ina pero hindi umano nito naaapektuhan ang healthy na lifestyle ng beteranang aktres.

“Low signal naman talaga memory from time to time but compensated sa physical.. grabe.. up and down pa yan sa White Plains parang bundok,” pahayag ni AJ Sanchez-Babao na siyang personal na nag-aalaga sa beteranang aktres ngayon.

Credit: Salve V. Asis Facebook

Marahil ay marami na tayong nakikita o nasasaksihang mga taong may katandaan na umaayaw o hindi kaya’y nawawalan na ng gana na mag-exercise pero talagang kakaiba ang nag-iisang Caridad Sanchez dahil kahit na’y 88 taong gulang na ngayon ay sobrang determinado pa rin na mapanatili ang kanyang healthy na lifestyle.