Carla Abellana at Tom Rodriguez, pinakilig ang marami sa kanilang sweet prenup photos!

Sa wakas ay mangyayari na rin ang inaabangang kasalan ng longtime celebrity couple na sina Carla Abellana at Tom Rodriguez!

Credit: @nelwinuyphoto Instagram

Hindi maikakailang marami ang nag-aabang sa pag-iisang dibdib ng dalawa na taong 2014 pa naging magkasintahan.

Ngunit bago ang kanilang inaabangang kasalan ay sumabak muna ang celebrity couple sa isang nakakakilig na prenuptial shoot.

Credit: @nelwinuyphoto Instagram

Sa kani-kanilang Instagram account, ibinahagi nina Carla at Tom ang ilang prenup photos na kinunan naman ng kilalang photographer na si Pat Dy.

Eleganteng tingnan si Carla sa kanyang suot na bestida habang si Tom ay napakagwapo sa kanyang suot na suit.

Credit: @nelwinuyphoto Instagram

Kilig vibes nga ang hatid ng mga larawan nina Carla at Tom sa maraming netizens lalo pa’t ramdam na ramdam sa bawat larawan ang sweetness at pagmamahal nila para sa isa’t isa. Sa kanilang matamis na tinginan ay talaga namang kitang-kita na inlove na inlove sila sa isa’t isa.

Caption ni Carla sa mga larawan nila ni Tom, “Finally, a Prenup shoot (heart emoji).”

Inihayag naman ni Tom sa kanyang post na nag-enjoy siya sa kanilang ginawang prenup shoot.

Credit: @akosimangtomas Instagram

Aniya, “Who knew prenup shoots would be this much fun? Well…with this DREAM TEAM…it just IS!!!”

Samantala, buhos naman ang komento ng netizens na kinilig sa mga prenup photo ng soon-to-be-married couple!

“Grabeeeeee kiliiiig. I love you two!”

Credit: @akosimangtomas Instagram

“So full of love I could cry congrats ur just really meant to be.”

“owww sarap naman sa pakiramdam namin ung mga pic nyo tomcar.”

“Wow! Super fanda”

“A very love couple, they are really compatible lovers!”

Credit: @nelwinuyphoto Instagram

Matatandaang noong Marso lamang ini-reveal nina Carla at Tom na engaged na sila. Matagal-tagal ding itinago ng dalawa ang kanilang engagement na Oktubre noong nakaraang taon pa nangyari.

Lingid naman sa kaalaman ng marami, halos pitong taon ding nag-abang ang “TomCar” fans sa anunsyo ng dalawa ng kanilang engagement.

At ngayong darating na Oktubre 23 nga ay matatapos na ang mahabang paghihintay ng maraming fans dahil mangyayari na ang inaabangang pag-iisang dibdib nina Carla at Tom. Talaga namang pinatunayan nila sa marami ang matandang kasabihan natin na, “Sa hinaba-haba ng prusisyon, sa simbahan din ang tuloy.”