Carla Abellana, ipinakita ang condo na una niyang naipundar nang nag-uumpisa pa lang sa showbiz

Para maisakatuparan ang plano nila ng boyfriend na si Tom Rodriguez na ipatayo ang kanilang dream house, kasalukuyan ngayong naghahanap ng buyer si Kapuso actress Carla Abellana para sa kanyang 68 square meters fully-furnished condo sa The Grove by Rockwell sa lungsod ng Pasig.

Credit: Carla Abellana YouTube

Nagbigay pa mismo ng isang condo-tour si Carla sa kanyang pinakabagong vlog upang ipasilip sa lahat ang loob ng kanyang condo.

Credit: Carla Abellana YouTube

Sa vlog, ay kapansin-pansin ang simple ngunit napaka-cute at homey na desenyo ng condo ng aktres.
Ipinakita ni Carla ang bawat sulok ng condo. Kasama rito ang master’s bedroom, isang den, bathroom, living room, kitchen at dining area pati na rin ang balcony area ng condo.

Credit: Carla Abellana YouTube

Ayon kay Carla, ang nabiling condo ay katas ng kanyang pagsisikap sa pagtatrabaho bilang artista.
Nabili ng Kapuso actress ang condo taong 2012 noong nagsisimula pa lang umano siya sa pag-aartista.

Credit: Carla Abellana YouTube

Kwento ni Carla, “I bought this unit or this property during pre-selling noong bago pa lang ako sa showbiz. Binili ko siya pre-selling, so hindi pa as expensive. It’s been 8 years already more or less. I bought it, if I’m not mistaken 2012.”

Credit: Carla Abellana YouTube

Masaya naman si Carla dahil sa loob ng walong taon ay tumaas na ang market value ng condo. Sulit umano ang perang kanyang in-invest sa condo.

Credit: Carla Abellana YouTube

Aniya, “Worth it ang lahat ng paghihirap, guys. Ang lahat ng pagpupuyat, ng pag-iiyak, ng pagod…lahat. Dahil nakapagpundar ako ng condo unit sa isang Rockwell property.”

Credit: Carla Abellana YouTube

Dagdag niya, “I’m just so happy na at least worth it ‘yong investment, nag-grow na ‘yong price, ‘yong value through the years.”

Pag-amin pa ni Carla na handa na raw siyang pakawalan ang condo unit.

Credit: Carla Abellana YouTube

Ibinahagi ni Carla sa vlog, na ang kikitain niya mula sa pagbebenta ng kanyang condo ay gagamitin niya para sa ipapatayo nilang ‘dream home’ ni Tom.

Ani ng aktres, “Yung na nga, guys. Tulad ng sabi ko, tulungan n’yo na akong tuparin ‘yung isa ko pang pangarap which is to build a dream home. Hindi po ako or kami ni Tom makakapagpagawa ng aming dream home kung hindi ko po ‘to mabebenta.”

Credit: Carla Abellana YouTube

Si Carla at Tom ay matagal nang magkarelasyon. Taong 2014 nang kinumpirma nila ang kanilang relasyon. Sa ngayon, ay wala pang anunsyo ang dalawa kung kailan sila magpapakasal.