Carlo Aquino at anak na si Enola Mithi, pinasaya ang marami dahil sa kanilang cute na paglalaro ng “close-open”!

Ang pagkakaroon ng anak ay isang napakalaking responsibilidad. Ngunit bukod sa mga responsibilidad, nagdadala rin ang bawat anak ng labis na kaligayahan sa buhay ng kanilang mga magulang.

    Credit: @enolamithi Instagram

Isa naman ang award-winning actor na si Carlo Aquino sa mga taong kamakailan lamang ay pumasok sa mundo ng pagiging magulang.

Credit: @enolamithi Instagram

Matatandaan na noong nakaraang September 2020 ibinahagi ni Carlo sa publiko ang pagdating ng anak nila ng kanyang non-showbiz model girlfriend na si Trina Candaza na si Baby Enola Mithi.

Mula naman noon ay madalas nang nakikita si Carlo sa social media na nagbo-bonding kasama ang kanyang cute at napaka-adorable na anak.

Credit: @enolamithi Instagram

Katulad na lamang ng nakakatuwang video na inupload nila sa official Instagram account ni Baby Enola kung saan mapapanood silang mag-ama na ginagawa ang “close-open” hand exercise.

Sa ngayon, halos mahigit 200 libo na ang nakapanood sa video nina Carlo at Baby Enola na nagco-close-open.

Mapapanood nga si Baby Enola na tila nakikipagpaligsahan sa pagco-close-open sa kanyang Daddy Carlo.

Credit: @enolamithi Instagram

Hindi naman maitago ni Carlo ang kanyang kasiyahan at pagkaaliw kay Baby Enola lalo na’t mabilis ang paraan nito ng pagco-close open. Masasabing na-unlock na ni Baby Enola ang panibagong milestone na ito.

At si Carlo naman ay tuwang-tuwa kay Baby Enola na talaga namang sobrang cute habang ginagawa ang nasabing hand exercise.

Credit: @enolamithi Instagram

Maraming netizens din ang naaliw sa “close-open” video nina Carlo at Baby Enola. Talagang saksi ang mga netizen kung paano binago ni Baby Enola si Carlo mula sa pagiging “bachelor” hanggang sa pagiging isang responsable at “makulit” na ama.

Samantala, sinabi na noon ni Carlo sa kanyang panayam kay Darla Sauler na talagang sinusulit niya ang mga panahon na sanggol o bata pa lamang ang kanyang anak.

Credit: @enolamithi Instagram

Gusto ring sulitin ni Carlo ang oras na kasama niya si Baby Enola lalo na’t tuloy-tuloy pa rin ang kanyang trabaho at ilang araw din niya itong hindi nakakasama dahil sumasabak siya sa lock-in taping.

Sa kasalukuyan, isa si Carlo sa mga leading man ni Erich Gonzales sa Kapamilya revenge drama na “La Vida Lena”.