Carlos Agassi, ipinakilala na sa publiko ang babaeng nagpapatibok ngayon sa kanyang puso

Sa wakas, ay ipinakita na ng hunk actor na si Carlos Agassi ang mukha ng babaeng nagpapatibok sa kanyang puso ngayon.

Credit: Sarina Yamamoto Instagram             

Nitong September 27, ay ibinahagi ni Carlos sa kanyang Instagram account ang larawan ng kanyang non-showbiz girlfriend na si Sarina Yamamoto. Caption ni Carlos sa IG post, “My girl @sarinayamamoto”

 

View this post on Instagram

 

My girl @sarinayamamoto ♥️

A post shared by Carlos Amir Agassi (@carlosagassi) on

Sa mga larawang ipinost ni Carlos, makikita ang napakatamis na tinginan nila sa isa’t isa habang nakasakay sa isang itim na convertible car.

Credit: Sarina Yamamoto Instagram

Sa Instagram account naman ni Sarina, ay nag-post din ito ng larawan nila ni Carlos. Caption ni Sarina sa IG post, “Happiness [heart emoji]”

Credit: Sarina Yamamoto Instagram

Base sa isang Instagram post ni Sarina kung saan nakasuot siya ng toga, katatapos niya lang sa kursong Bachelor of Science in Architecture sa Far Eastern University noong July 2019.

Credit: Sarina Yamamoto Instagram

Mukhang kagaya ng huling relasyon ni Carlos ay malaki rin ang agwat ng edad nila ni Sarina. Matatandaang taong 2011 nang inanunsyo ni Carlos ang kanyang relasyon sa Filipino-British model girlfriend at dating Pinoy Big Brother housemate na si Margo Midwinter.

Credit: Sarina Yamamoto Instagram

Pagkatapos ng isang taong pagiging magkasintahan, ay inalok ng kasal ni Carlos si Margo. Sa kasamaang palad, hindi natuloy ang sana’y pag-iisang dibdib ng dalawa dahil hindi pa umano handa si Margo na magpakasal. Walong taon din ang agwat ng edad nina Carlos at Margo dahil noong mga panahong iyon ay 34 taong gulang na si Carlos at 26 taong gulang naman si Margo.

Credit: Sarina Yamamoto Instagram

Maliban dito, ay napabalitaan din noon na kaya naghiwalay sina Carlos at Margo ay dahil sa pagiging ‘mama’s boy’ ni Carlos. Inamin noon ni Carlos na hindi umano nagustuhan ng kanyang ina si Margo.

Credit: Carlos Agassi Instagram

Sa ngayon, ay 40 taong gulang na si Carlos ngunit hindi pa rin kumukupas ang kagwapuhan nito, bagay na kapansin-pansin sa kanyang mga social media post.

Credit: Carlos Agassi Instagram

Si Carlos ay unang nakilala ng lahat nang mapabilang siya sa Star Circle Batch 3 kasama sina Piolo Pascual, Paolo Contis, Cheska-Garcia-Kramer, Kaye Abad, Kristopher Peralta at Bojo Molina.

Credit: Carlos Agassi Instagram

Naging miyembro rin noon si Carlos ng all-male group na “The Hunks” kasama sina Piolo Pascual, Jericho Rosales, Diether Ocampo at Bernard Palanca.