Carmina Villarroel, ipinasilip sa netizens kung ano ang mga nilalaman ng kanilang napakalaking ref sa bahay

Talagang hindi nauubusan si Carmina Villarroel ng ideya tungkol sa magiging content ng kanyang vlogs dahil matapos magkaroon ng house tour at ipasilip sa kanyang subscribers ang iba pang sulok ng kanilang magandang bahay, ngayon naman ay ipinasilip naman ng aktres ang laman ng kanilang ref!

Credit: Carmina Villarroel-Legaspi YouTube

Kilala bilang isang sikat at mahusay na aktres sa industriya ng showbiz, paniguradong bonggang-bongga ang lahat ng gamit ni Carmina lalo na ang kanilang ref at ang mga laman nito.

Matapos ipasilip ang ref sa unang palapag ng kanilang bahay, oras naman ngayon para sa ref ng kanilang second floor na mag-shine!

Credit: Carmina Villarroel-Legaspi YouTube

Unang bukas pa lamang ni Carmina sa napakalaking ref, makikita na kung gaano kapuno ng mga pagkain at inumin ito. Talagang ref ito ng isang sikat na aktres!

Ayon kay Carmina, palagi umano silang may kimchi kasi paborito ito ni Zoren at ng kambal niyang anak na sina Mavy at Cassy. At dahil mahilig ang aktres uminom ng juice tuwing gabi, palagi siyang may pineapple at orange. Hindi rin mawawala ang almond milk at energy drinks na talagang gustong-gusto ng buong pamilya.

Credit: Carmina Villarroel-Legaspi YouTube

Sa compartment naman ng unang pintuan ng ref, punong-puno ito ng iba’t ibang uri ng cheese, fresh milks, at jams.

Of course, present din sa kanilang ref ang mga itlog at soda drinks. Sa ilalim naman ay makikita ang mga “ready-to-eat” na mga pagkain na nakalagay sa mga tupperware dahil may mga pagkakataon umano na nagmamadali sila at wala ng oras na magluto pa.

Laking Sta. Cruz, Laguna, talagang lumaki ang aktres na kumakain ng kesong puti kaya hindi talaga umano ito nawawala sa kanilang ref.

Credit: Carmina Villarroel-Legaspi YouTube

Sa huling drawer naman ay nakalagay ang mga gulay katulad ng spinach, sitaw, eggplant, carrots, pechay, at iba pa.

Sa freezer naman, punong-puno ito ng mga ice cream na noon pa man ay paborito na ng buong pamilya. May stock din silang longganisa, “cooked foods”, steak, sausages, pizza, meat, at sariwang isda.

Credit: Carmina Villarroel-Legaspi YouTube

Sa compartment naman sa pinto ng freezer ay nakalagay ang chicken nuggets, beef tapa, patties, shrimp, siomai, lumpiang gulay, at marami pang iba.

“That’s it! So, nalaman niyo na po kung ano ang nasa ref ng Legaspi family. Parang nakita niyo na rin ‘yung Ref 1 at Ref 2. Ref doon sa baba, ref dito sa second floor,” sabi ni Carmina.

Marami man ang namangha sa dami ng laman ng ikalawang ref ni Carmina, agaw-atensyon din ang malinis at maayos na pagkakalagay ng aktres ng mga pagkain at inumin sa loob ng ref. Talagang sumasalamin sa pagiging organized ni Carmina ang kaayusan ng kanyang ref!