Carmina Villarroel, nagbahagi ng tips para maging malinis, organisado at magandang tingnan ang pantry!

Isa sa mga namamayagpag ngayong celebrity vlogger ang Kapuso actress-host na si Carmina Villarroel-Legaspi.

Credit: Carmina Villarroel-Legaspi YouTube

Bilang isang vlogger naman na umabot na sa 400K ang subscribers, madalas niyang ginagawa ang kanyang makakaya upang lumikha ng mga vlog na hindi lamang nakakaaliw ngunit kapaki-pakinabang din sa kanyang subscribers.

Credit: Carmina Villarroel-Legaspi YouTube

Sa abot din ng makakaya ni Carmina ay ginagawa niya ang mga request o gustong mapanood ng kanyang mga tagahanga sa kanyang vlog.

Sa latest vlog episode nga niya ay nagbigay pasilip siya sa kanyang pantry na isa umano sa mga nire-request ng kanyang subscribers.

Credit: Carmina Villarroel-Legaspi YouTube

Ngunit hindi lamang basta-bastang pantry tour ang ibinahagi ni Carmina ngunit ipinakita rin niya ang proseso kung paano niya nililinis at ginagawang organisado ang kanyang pantry.

Nagbigay nga siya ng ilang organizing tips para sa mga taong gustong ma-achieve ang isang malinis, organisado at magandang pantry.

Credit: Carmina Villarroel-Legaspi YouTube

Unang tip ni Carmina ay alisin muna ang lahat ng mga storage basket at stocks sa loob ng pantry. Naging mas madali naman ang pag-oorganize ni Carmina dahil nagsimula muna siya sa pinakataas o top shelf kung saan nakalagay ang ilang lunchboxes, disposable utensils, at table napkins.

“The first thing that we’re going to do [ay] kailangan tanggalin muna natin lahat para malaman natin kung ano ‘yung mga tatanggalin natin from the pantry,” ani Carmina.

Credit: Carmina Villarroel-Legaspi YouTube

Bukod naman sa storage baskets, mayroon ding kitchen trolley si Carmina na nagsisilbing additional organizer o storage ng kanilang mga pagkain.

Aminado naman si Carmina na medyo maliit ang kanilang pantry kaya kailangan nila ng ekstrang paglalagyan ng kanilang mga stock.

Credit: Carmina Villarroel-Legaspi YouTube

Sunod naman na tip ni Carmina ay magkaroon ng hagdanan o ladder para madali lamang maabot ang ilang kakailanganin stock.

Ibinunyag naman ni Carmina na karamihan sa kanyang ginagamit na storage baskets ay mula sa mga food basket na inireregalo sa kanya. Mas nakakatipid umano kasi raw siya at hindi rin niya gustong bumili pa ng bago kaya naman nire-reuse niya ang mga ito.

“Kapag may nagreregalo sa ‘yong food baskets or anything tapos maganda yung basket, I don’t throw it away. So ginagamit ko ‘to pang-organize ng stock,” kwento pa niya.

“Ideally, mas maganda sana na pare-pareho ‘yung mga baskets ninyo para mas neat, mas organize, mas maganda…malinis kumbaga tingnan. But ito kasi parang na-accumulate ko na lang siya through the years. Sayang naman kung itatapon ko and I don’t want to buy another set para lang maging uniform sila. So, ‘yung ano lang ang meron ako ‘yun na lang ang aking gagamitin,” dagdag pa niya.

Credit: Carmina Villarroel-Legaspi YouTube

Samantala, ipinasilip din ni Carmina sa kanyang pantry tour ang laman ng kanyang pantry tulad ng oatmeals, baking ingredients, canned goods, condiments, wines, at kanyang paboritong snacks.