Para sa mga mahilig sa kape, ang pagkakaroon ng sariling coffee maker o coffee machine ay talaga namang isang “dream come true”.
Credit: Carmina Villarroel-Legaspi YouTube
Kaya nang buksan ng aktres na si Carmina Villaroel ang kanyang bagong coffee machine ay talaga namang napahiyaw siya sa labis na kasiyahan.
Mapapanood sa latest vlog ni Carmina ang pag-uunbox niya sa kanyang bagong coffee machine na gawa pa ng isang Italian brand na “DeLonghi”.
Credit: Carmina Villarroel-Legaspi YouTube
Bongga ang bagong coffee machine ni Carmina na isa sa mga “top of the line” na produkto ng DeLonghi.
Ang bagong coffee machine ni Carmina ay isang PrimaDonna Exclusive na base sa kanilang Instagram page ay nagkakahalaga ng P158,800!
Credit: Carmina Villarroel-Legaspi YouTube
May double function ang nasabing coffee machine. Bukod kasi sa kape ay pwede ka rin gumawa ng mainit na tsokolate gamit ito.
Ayaw ni Carmina na mag-experiment sa pagse-set up ng coffee machine kaya naman nagpatulong siya sa isang sales representative at sa isang barista ng kumpanya.
Credit: Carmina Villarroel-Legaspi YouTube
Kasama ng kanyang coffee machine ay ang manual at cleaners. Nakatanggap din si Carmina ng iba’t ibang klaseng coffee glasses.
At nang matapos na sa pagse-set up ay isa-isang sinubukan ni Carmina ang iba’t ibang klase ng coffee drink na maaaring gawin gamit ang kanyang bagong coffee machine.
Cappuccino, Espresso, Latte, Cafe Mocha ay ilan lamang sa mga coffee drink na pwede mong gawin gamit ang nasabing coffee machine.
Credit: Carmina Villarroel-Legaspi YouTube
Kung hindi ka naman mahilig sa kape ay pwede kang gumawa ng mainit na chocolate drink. Talaga namang perfect sa lahat ang bagong coffee machine ni Carmina.
Masayang-masaya rin si Carmina sa kanyang bagong coffee machine dahil paborito talaga niya at ng kanyang pamilya ang kape.
Credit: Carmina Villarroel-Legaspi YouTube
Ayon naman kay Carmina, kahit mayroon na silang coffee machine ay umiinom pa rin naman daw sila ng karaniwang kape tulad ng nasa mga 3 in 1 coffee sachet.
Aniya, “Ok guys, don’t get me wrong ha. Even if we are coffee lovers, we still drink 3 n 1. So hindi kami maarte. Well, kami yung mga kahit coffee drinkers hindi rin kami ganun kaarte sa kape.”
Samantala, ilang coffee lovers naman ang napa-sana all matapos mapanood ang unboxing vlog ni Carmina ng kanyang bagong coffee machine. Komento nila:
Credit: Carmina Villarroel-Legaspi YouTube
“I love it! I love coffee also. Sana magkaroon din ako nyan. Pangarap ko magkaroon ng Delonghi machine ❤”
“Same tayo ng fave na timpla ng coffee ☕ 😋 and also I like chocolate 😋… Ahhhh Sana all may coffee machine 😅”
“I love coffee too. Hope to buy that one too..”
“Ms. Carmina I really want to have a coffee ☕️ machine just like that, I’m a coffee ☕️ lover myself. That coffee machine looks amazing 👍🤩”