Isa si dating Kapamilya singer Carol Banawa sa mga makapagpapatunay na hindi hadlang ang ating edad para makapagtapos tayo ng pag-aaral.

Bago kasi tumungtong sa edad na 40, ay napagtagumpayan ni Carol na makamit ang kanyang Bachelor’s Degree in Nursing.
Sa Instagram, ay proud na ibinahagi ni Carol ang kanyang panibagong achievement. Isang larawan ang ipinost ni Carol kung saan ay suot niya ang kanyang graduation gown at cap.

Nakamit ni Carol ang kanyang bachelor’s degree sa Grand Canyon University sa Amerika. Sa caption, ay unang munang pinasalamatan ni Carol ang kanyang asawang si Ryan Crisostomo dahil sa walang sawang pagsuporta nito sa kanya.
Aniya, “Another goal achieved! ❤️ Thank you mahal, for working so hard for us which allowed me to pursue my studies..thank you for always pushing me, supporting me and believing in me ❤️”

Sunod na pinasalamatan ni Carol ang kanyang dalawang anak. Ani Carol, “Thank you to my children for always being patient with Mama, for understanding the times that I have to stay in front of the computer to finish my posts, papers and projects..I love you all so much ❤️”

Hindi rin nakalimutan ni Carol na pasalamatan at ibahagi ang kanyang tagumpay sa kanyang mga magulang at mga kapatid.

Mensahe ni Carol sa mga ito, “To my Papa, Mama, Kuya and Ate, I finally did it! This is for you guys ❤️ Thank you for always believing in me.. I hope you are all proud of me. I love you all so much❤️”
Sa huli, ay pinasalamatan ni Carol ang kanyang mga kaibigan na kabilang din sa mga taong naging dahilan kung bakit siya naging matagumpay.
Saad ni Carol, “To my relatives and friends who have always supported me, cheered for me, and celebrated with me..thank you, I miss you all and I love you all!”

May mensahe naman si Carol para sa mga taong kagaya niya na may edad na ngunit gusto pa rin na makapagtapos sa kanilang pag-aaral.
Saad ni Carol, “Bachelor’s degree before 40. You are never too old to reach for your dreams! Dream it. Believe it. Do it. Conquer it. To GOD be the GLORY!!!❤️”
Samantala, bago pa makuha ni Carol ang kanyang bachelor’s degree ay nakuha na niya ang kanyang Associate of Science Degree in Nursing taong 2018 sa Northern Virginia Community College kung saan ay nagtapos siya bilang summa cum laude.

Taong 2003 ay umalis si Carol sa bansa kasama ang kanyang pamilya. Sa ngayon, ay nagtatrabaho bilang isang frontliner nurse si Carol sa Amerika.