Cassy Legaspi, pina-w0w ang maraming netizens sa kanyang Catriona Gray inspired Halloween costume!

Nito lamang nakaraang Halloween ay kanya-kanyang paandar ang mga hinahangaan nating artista sa showbiz pagdating sa kanilang mga suot na Halloween costume.

Credit: @cassy Instagram

Kabilang na rito ang isa sa kambal na anak ng celebrity couple na sina Carmina Villarroel at Zoren Legaspi na si Cassy na piniling magdamit bilang isang beauty queen!

Pinainit ni Cassy ang Halloween ngayong taon dahil sa kanyang s3xy Halloween photos na ipinost niya sa kanyang Instagram account.

Para sa taong ito, nagsuot si Cassy ng isang sexy at super hot red gown na hango sa iconic na ‘lava gown’ ni Miss Universe 2018 Catriona Gray.

Ginaya ni Cassy ang magandang look ni Catriona sa nasabing beauty pageant mula sa gown hanggang sa make-up at hairstyle. Nagsuot din si Cassy ng isang flag-inspired na hikaw na matatandaang pinasikat ni Catriona.

Credit: @cassy Instagram

Kinumpleto naman ni Cassy ang kanyang Halloween look ngayong taon sa pamamagitan ng paggawa ng iconic na pose ni Catriona kung saan nag-side-view shot siya habang inilagay ang kanyang mga kamay sa kanyang baywang.

Habang sa caption, inilagay ni Cassy ang isang quote mula sa iniidolo niyang beauty queen.

“To everyone with a dream, know that your dreams are valid. And on your path, you are never denied and only redirected,” sulat ni Cassy sa caption.

Samantala, hindi napigilan ni Cassy na kiligin matapos mismong si Catriona ang nag-approve at pumuri sa kanyang Halloween costume ngayong taon.

Credit: @cassy Instagram

Sa comment section, inihayag ni Catriona ang kanyang approval sa pagbibida ni Cassy ng kanyang beauty queen vibe!

Ani Catriona, “Okay, Queen!”

Talaga namang waging-wagi ang pakiramdam ni Cassy dahil nagkomento si Catriona sa kanyang outfit.

Tugon pa niya sa komento ni Catriona, “@catriona_gray omg! The Queen herself!!! Thank you so much 😭🙏🏻👑!!”

Credit: @cassy Instagram

Sa kasalukuyan, umabot na sa halos 200 libong likes ang nakuha ng mga Halloween photos ni Cassy mula sa mga netizen.

At narito ang ilan sa komento ng netizens na humanga sa kagandahan ni Cassy na papasa umanong maging isang beauty queen!

“omg im screaming ur so pretty”

“GRABEEEEEEE!!!!! OUR MISS UNIVERSE”

Credit: @cassy Instagram

“jusko napaka perfect!!!!”

“Grabee ang ganda mo talaga Future Ms. Universe yan”

“Ang ganda bagay maging Beauty Queen”