Ibang klase talaga ang catwalk ni Katrina Dimaranan dahil naagaw lang naman nito ang atensyon ni Cardi B!
Credit: @katrina_dimaranan Instagram
Napakalaki ng impluwensya ng mga taong iniidolo natin sa ating buhay kaya halos hindi natin maipaliwanag ang nararamdaman kapag napansin na.
Kamakailan lamang nang ibinahagi ni Katrina Dimaranan sa Twitter ang maikli niyang video habang tumutugtog ang music ni Cardi B na “I Like It” sa background kung saan ay proud niyang ipinakita sa netizens ang kanyang catwalk.
“‘Knock me down 9 times but I get up 10’ – Cardi B,” sulat ni Katrina sa kanyang caption.
Sa hindi pag-aakalang mapapansin ng iniidolong American rapper na si Cardi B, halos hindi makapaniwala ang beauty queen.
Credit: @katrina_dimaranan Instagram
Sa pag-retweet ni Cardi B sa video ng catwalk ni Katrina, kaagad namang nabuhay ang pagiging “fan girl” ng 28 taong gulang na beauty queen.
Sa labis na kasiyahan nang napansin ng kanyang iniidolong rapper, kaagad na ipinahayag ni Katrina ang kanyang nararamdaman sa stories niya sa Instagram.
“Cardi B retweeted my catwalk video?” hindi makapaniwalang tanong ni Katrina.
Dagdag pa niya, “[Be right back], crying.”
View this post on Instagram
Mukhang hindi lamang si Katrina ang nagulat nang nalamang ni-retweet ni Cardi B ang kanyang 13-seconds na video dahil pati netizens ay shock din sa comment section.
Credit: @katrina_dimaranan Instagram
“@iamcardib retweeted this? Omfg”
“Cardi B just retweeted ur vid”
“omgggg ni retweet ni cardi b”
Sobrang s3xy at elegante sa suot na kulay pula at fitted na gown, pinahanga ni Katrina ang netizens sa kanyang pangmalakasang catwalk.
Credit: @katrina_dimaranan Instagram
“Ooh you’re so pretty”
“On fireeee 🔥”
“OMGGG YESS QUEENN KAT!”
“Oy taray! Ang galing”
Credit: @katrina_dimaranan Instagram
Umabot na ng 5,611 likes at 322 retweets ang video niya sa Twitter at kabilang na nga sa mga ito ay ang American rapper na si Cardi B.
Maaalala nito lamang September 30 nang ginanap ang Finals ng Miss Universe Philippines 2021 kung saan ay itinanghal siya bilang Miss Universe Tourism.
Simula nang sumali sa Miss Universe Philippines 2021, naging laman na sa usapan ng netizens ang kagandahang taglay at ang powerful na catwalk ni Katrina Dimaranan. Bagama’t tapos naman ang sinalihang pageant, patuloy pa rin ang suportang ibinibigay ng fans para sa beauty queen.
Nabigo man na makuha ang korona, matagumpay naman niyang naagaw ang atensyon ni Cardi B at nabihag ang puso ng kanyang fans.