Celebrity couple na sila Bryan Santos at Marlann Flores, ikinasal na!

Sa pinakaunang buwan ng taong 2022, talagang nararamdaman na ang romance lalo na’t matapos ang ilang taong pagsasama ni Bryan Santos at Marlann Flores bilang couple, sa wakas ay ipinangako na nila ang kanilang pag-iibigan sa isa’t-isa.

Credit: @marlannflores Instagram

Marami nang nakatagpo ng pag-ibig sa mundo ng showbiz pero bibihira lamang sa kanila ang nagtatagal dahil na rin sa busy nilang schedule. Ngunit nagawang lampasan ni Bryan at Marlann ang lahat ng pagsubok na dumating sa kanila at sa paglipas ng bawat taon, mas pinatatag pa nila ang kanilang pagmamahalan.

Kilala si Bryan bilang pamangkin ni Charo Santos-Concio at Head ng Star Cinema na si Malou Santos.

Sa kabuuan ng kanyang career bilang aktor, nagawa niyang patunayan na deserving siya sa kasikatang tinatamasa dahilan kung bakit kabilang siya sa cast ng teleseryeng “Imortal” na pinagbibidahan nina Angel Locsin at John Lloyd Cruz. Naging parte rin siya sa grupong “Harana” kung saan ay kasama niya sa pagpapakilig sina Joseph Marco, Marlo Mortel, at Michael Pangilinan.

Credit: @marlannflores Instagram

Maliban sa kahusayan ni Brian sa pag-arte at pagkanta, kinahuhumalingan din siya ng mga kababaihan dahil sa kanyang good looks at pagiging mestizo ngunit tanging si Marlann Flores lamang ang bumihag sa kanyang puso nang nagsama sila sa “Imortal” kung saan ay gumanap sila bilang si Gael at Olive.

Tila naging daan ang showbiz para sa pagmamahalan ni Bryan at Marlann at sa kabila ng maraming pagsubok, nanatiling silang inlove sa loob ng siyam na taon!

Credit: @badji.mortiz Instagram

Matapos ang mahigit isang taon simula nang sila’y na-engaged noong Valentine’s Day sa taong 2021, nangyari na rin sa wakas ang pinakahinihintay na event ni Bryan at Marlann at ikinasal nga sila noong Martes, January 4!

Kahit na’y wala pang ibinahaging mga larawan ang couple sa kani-kanilang social media account, nasilip naman ito ng kanilang fans sa pamamagitan ng mga litrato at videos na ibinahagi ng kanilang guests.

Credit: @badji.mortiz Instagram

Kuha ang sweet na larawan ni Bryan at Marlann sa kanilang kasal, ipinahayag ng pinsan ng aktor ang mainit nitong pagtanggap kay Marlann sa kanilang pamilya.

“Congrats cuz @bryanjsantos_ welcome to the family @marlannflores ❤❤❤,” saad ni Badji Mortiz.

“Glad to be part of your “Beautiful Mess”. Congratulations Bryan and Marlann! The road to forever starts here,” sulat naman ni Direk Frasco Mortiz sa kanyang caption kalakip ng larawan niya kasama ang bagong kasal.

Credit: @badji.mortiz Instagram

Sa loob ng siyam na taon nilang pagsasama, matagal ng handa ang dalawa sa chapter na ito ng kanilang buhay nang may mas matatag na foundation ang kanilang pagmamahalan.

Congratulations Bryan at Marlann!