Celebrity couple na sina Danica Sotto at Marc Pingris, ipinakilala ang pinakabagong miyembro ng kanilang pamilya!

Sa pagsisimula ng taong 2023, muli na namang nabiyayaan ng malaking blessing ang pamilyang Sotto-Pingris nang isinilang ni Danica Sotto ang ikatlong anak nila ng kanyang asawa na si Marc Pingris.

Credit: @danicaspingris Instagram

Mula pa man noon, pamilyar na talaga sa mundo ng showbiz ang pangalang Sotto dahil sa bawat generation ng kanilang pamilya, nagagawa talaga nilang mag-excel sa napili nilang field katulad na lamang ni Danica na sumunod lang naman sa yapak ng kanyang mga magulang na sina Dina Bonnevie at Vic Sotto na parehong bigating stars.

Kung si Danica ay nanggaling sa isang “showbiz family,” sa pagiging isang PBA player naman labis na nakilala si Marc Pingris. Of course, sa sobrang lawak ng mundo ng showbiz, natural lamang talaga ang pagkukrus ng landas ng dalawa hanggang tuluyan nga na nahulong ang kanilang loob sa isa’t-isa at ikinasal noong March 2007.

Credit: @danicaspingris Instagram

Sa 15 na taon nilang pagsasama bilang mag-asawa, patuloy na lumalaki ang pamilyang Sotto-Pingris lalo na ngayong isinilang na ng aktres ang ikatlong anak nila ni Marc noong January 15 na pinangalanan nilang si baby Jean-Luc.

Sa kasiyahang nararamdaman ni Marc, kaagad niyang ibinahagi sa Instagram ang ligtas at successful na delivery ng asawa kalakip ng mga larawang kuha sa ospital kung saan ay makikita ang kanilang mainit na pagtanggap sa pinakabagong miyembro ng pamilyang Sotto-Pingris.

Ngayong lumalaki na ang kanilang pamilya, ipinagdadasal talaga ni Marc na sana’y mapatnubayan at magabayan sila ng Diyos sa maayos na pagpapalaki nila ni Danica sa kanilang mga anak.

“LORD, thank you! Gabayan nyo po ako na mapalaki sila ng maayos at gabayan mo ko Lord sa lahat lahat ng bagay na gagawin ko para sa pamilya ko,” pahayag ni Marc sa kanyang caption.

Sa isa namang hiwalay na post, labis naman ang pagpapasalamat ng aktres sa kanilang pamilya at mga kaibigan na nagdasal sa kanyang smooth na delivery.

Credit: @danicaspingris Instagram

“All glory, praise and honor to God! Grateful for a smooth and safe delivery. ❤️ Our hearts our filled with so much joy!!!”

Ipinahayag din ni Danica ang abot-langit niyang kasiyahan ngayong nasa tabi na nila si baby Jean-Luc dahil sa nakaraang siyam na buwan ay halos hindi umano makapaghintay ang kanilang buong pamilya i-welcome ang pinakabagong miyembro ng pamilyang Sotto-Pingris.