Katulad ng pagiging mabuting ehemplo ng mga magulang sa kanilang mga anak, maaari rin tayong magsilbing magandang modelo sa kanila na nakapagbibigay ng inspirasyon at lakas ng loob upang malampasan ang kanilang mga takot sa buhay katulad na lamang ni Stela na pinabilib lang naman ang kanyang momshie Melai sa pagiging kalmado niya habang nasa kalagitnaan ng kanilang flight.
Credit: @mrandmrsfrancisco Instagram
Una pa lang, nanay na talaga natin ang ating kasama lalo na sa babyhood na phase dahil mas lumalakas ang attachment na nararamdaman natin sa ating mga nanay kaya malinaw talaga ang dahilan kung bakit kadalasan sa mga bata ay umiiyak o nagta-tantrums kapag malayo sa piling ng kanilang ina pero ibahin niyo ang bunsong anak ng celebrity couple na si Melai Cantiveros at Jason Francisco dahil pinatunayan lang naman ni Stela ang kanyang maturity sa edad lamang na 5!
Bawat isa sa atin ay may kinatatakutan talaga at kahit maraming taon man ang lumipas o ‘di kaya’y ilang ulit na natin itong naranasan at nasubukan ay nananatili pa rin itong bago sa pakiramdam katulad na lamang ng PBB: Double Up champ at “Magandang Buhay” host na si Melai Cantiveros dahil buong lakas lang naman niyang amin na hanggang ngayon ay takot pa rin siya sa pagsakay ng eroplano pero nalagpasan naman niya ito sa tulong ng kanyang anak na si Stela dahil nagsilbi lang naman niya itong “role model”.
Credit: @mrandmrsfrancisco Instagram
Sa video na ibinahagi ni Melai sa Instagram kumakailan lamang, mapapanood na nakaupo si Stela sa kabilang upuan habang nasa kalagitnaan ng kanilang flight pero ang mas hinangaan pa ng kanyang Mommy Melai ay ang pagiging responsible nito sa sarili dahil kusa lamang itong kumakain at natutulog nang walang kahit anong reklamo.
View this post on Instagram
“So proud of my Baby @stelarosalind kapag nasa plane kami kasi responsible na cya , kasi ako takot na takot ako sa plane. Cya nmn kain lang cya tapos magsleep lng cya in her own,” pahayag ni Melai sa kanyang caption.
Ang masaksihan ang pagiging kalmado ni Stela na tila ba’y sanay na sanay na siya sa sitwasyon ay nagbigay kay Melai ng lakas ng loob upang lagpasan ang kanyang takot sa pagsakay ng eroplano.
Credit: @mrandmrsfrancisco Instagram
Ngayong unti-unti nang nalalagpasan ni momshie Melai ang kanyang issues at problema sa tuwing sumasakay ng eroplano, itinuturing talaga niyang hero si Stela!