Celebrity stylist na si Liz Uy, nanganak na sa pangalawang baby nila ng kanyang non-showbiz fiance!

Nanganak na ang celebrity stylist at fashion influencer na si Liz Uy! Sa isang Instagram post ay ibinahagi ni Liz ang masayang balita. Kalakip ng caption na, “Meet our Matias” ay ang mga litrato ng kanyang bagong silang na anak.

Credit: @lizzzuy Instagram

Ibinahagi rin ni Liz ang unang family picture nila kasama ang panibagong miyembro ng kanilang pamilya.

Sa larawan ay kitang-kita ang saya sa mukha ni Liz at ng kanyang partner na si Raymond Racaza.
Kasama rin nila sa litrato ang kanilang panganay na si Xavi.

Samantala, bumuhos naman ang pagbati mula sa mga kaibigan nila sa showbiz. Kabilang sina Angelica Panganiban, Raymond Gutierrez, Alex Gonzaga, Mariel Padilla at Karen Davila sa mga unang bumati kina Liz at Raymond.

Credit: @lizzzuy Instagram

Halos apat na taon din ang lumipas bago nasundan ang panganay na anak nina Liz at Raymond na si Xavi.

September taong 2017 nang isilang ni Liz ang panganay nila ni Raymond sa Amerika. Ngunit noon lamang 2018 nang ibunyag ni Liz sa publiko na isa na siyang ganap na ina.

Noong December 2020, sa pamamagitan ng isang artikulo na inilathala niya sa The Philippine Star, ibinahagi naman ni Liz ang kanyang pagbubuntis sa ikalawang anak nila ni Raymond.

Credit: @lizzzuy Instagram

“We were closing in on the fourth month of an endless lockdown when I found out that I was pregnant with our second baby. I ran to Raymond and we were both screaming in delight,” kwento ni Liz.

Dagdag niya, “In the midst of a p@ndemic, we found this piece of good news filling up what was otherwise a glass half full of uncertainty in 2020.”

Sa nasabing artikulo ay ibinahagi rin ni Liz ang mga hirap na kinakaharap niya habang nagbubuntis. Isa na rito ang nararanasan niyang Hyp3remesis Gr@vidarum.

Credit: @lizzzuy Instagram

Sa mga hindi nakakaalam, ang Hyp3remesis Gr@vidarum ay isang kondisyon kung saan ang isang buntis ay nakakaranas ng matindi at paulit-ulit na pagduwal at pagsusuka habang nagbubuntis.

Sa kabila naman ng kanyang pinagdadaanang hirap, naalala ni Liz kung gaano siya kasaya noong una niyang nahawakan ang kanyang anak na si Xavi.

Ani Liz, “The biggest irony of getting sick with Hyperemes!s Grav!darum once again is that it reminded me of how I felt seeing Xavi for the very first time. It made up for all that I had to go through to have him. Xavi is pure happiness and nothing, absolutely nothing, can equal what having him in my arms brought.”

Credit: @lizzzuy Instagram

Sa huli ay nakatulong kay Liz ang pageehersisyo upang malampasan niya ang mahirap na bahagi ng kanyang pagbubuntis. Ngayon nga ay sobra-sobra ang kasiyahan ni Liz dahil sa wakas may bago na namang magpapasaya sa kanila.