Sa Spain mag-aaral ng kolehiyo si Andres, ang 19 na taong gulang na anak nina beauty queen-actress Charlene Gonzalez at TV actor Aga Muhlach.

Nitong January 11, sa kanyang Instagram post, hindi maiwasang maging emosyonal ni Charlene sa pag-alis ng kanyang anak para mag-aral sa ibang bansa.
“The day has come were you are starting a new chapter in your life as you head out to college,” simula ni Charlene sa kanyang post.

Bilang isang ina, aminado si Charlene na alam niya na balang araw mangyayari na aalis ang kanyang mga anak upang abutin ang kanilang mga pangarap. Ngunit hindi niya inaasahan na mabilis itong mangyayari.
“As a mom, you imagine & know that someday, that day will come but you always think it’s too far away for it to be a reality,” ani Charlene.
Mensahe ni Charlene sa kanyang anak, “As you leave for college today in Spain, know that we love you very much and we are super proud of you Andres.”

Tulad ng ibang magulang, mahirap din na desisyon para kina Charlene at Aga na pahintulutan ang kanilang anak na mag-aral sa isang banyagang lugar lalo na’t nasa gitna pa rin tayo ng p@ndemya ngunit susuportahan at gagabayan umano nila ito.
Ani Charlene, “It was a very difficult decision to make (especially during this global pandemic for you to be on campus) but you really wanted to continue your studies on campus and as parents we will be here to support & guide you every step of the way.”

Dagdag ni Charlene, “We love you Andres & thank you for always being so kind & for continuously making us proud. Your dad, mama & sister love you so much.”
Hiling din ni Charlene para kay Andres, “Have the best time of your life in Spain & continue to make lasting memories, that you will cherish forever..”
Ayon kay Charlene, Mayo pa niya muling makikita si Andres matapos nitong lumipad patungong Spain.

Samantala, nagbigay din ng update si Charlene tungkol sa kakambal ni Andres na si Atasha na nakatakda namang mag-aral sa United Kingdom.
Ani Charlene, “As for Atasha, She currently is studying online in a UK university but due to the current lockdown in the UK. She will continue to study online this semester and Atasha will will be on campus the following school year in the UK.”

Saad ni Charlene sa huli, “Ang hirap mag-let go for any mom but going off to college will be a wonderful experience for all children. As parents, we provided them wings, but now it’s their turn to fly…”
Matatandaan na Mayo noong nakaraang taon nagtapos sina Andres at Atasha sa kanilang high school.