Charlene Gonzalez at Aga Muhlach, muling nagpaalam sa kanilang unico hijo na si Andres sa pagbalik nito ng Spain

Kabilang ang celebrity couple na sina Charlene Gonzalez at Aga Muhlach sa mga magulang na hindi mapigilang malungkot sa pag-alis ng kanilang mga anak para mag-aral ng kolehiyo sa ibang bansa.

Credit: @itsmecharleneg Instagram

Muli ay hindi mapigilan nina Charlene at Aga na makaramdam ng lungkot sa pag-alis kamakailan lamang ng kanilang unico hijo na si Andres para ipagpatuloy ang kanyang pag-aaral sa bansang Spain.

Sa kani-kanilang Instagram account, ipinahayag ng celebrity couple ang kanilang mensahe para sa kanilang 19-anyos na anak sa pagbalik nito sa Spain para sa Sophomore year o ikalawang taon nito sa kolehiyo.

Credit: @itsmecharleneg Instagram

Matatandaang noong nakaraang taon lamang nang magtapos ng senior high school si Andres at ang kanyang kakambal na si Atasha. At parehong nagdesisyon ang mga ito na sa ibang bansa mag-aral ng kolehiyo.

Kung si Andres ay piniling magkolehiyo sa Spain, pinili naman ni Atasha na tuparin ang kanyang mga pangarap sa United Kingdom.

Credit: @itsmecharleneg Instagram

Ngunit unang umalis ng bansa si Andres noong nakaraang January lamang dahil balik-campus na ang mga estudyante sa nasabing bansa. Bumalik lamang ito ng Pilipinas noong nakaraang May para enjoyin ang kanyang summer break.

Credit: @itsmecharleneg Instagram

“And just like that… The summer went by so fast.. Back to Spain today for your sophomore year in college. What a wonderful summer it was having you at home with us. We will be missing you, like we always do my son @aagupy,” sulat ni Charlene sa kanyang post.

Credit: @itsmecharleneg Instagram

May pabaon ding paalala si Charlene para kay Andres sa pagpapatuloy nito ng kanyang pag-aaral sa Spain.

Ani Charlene, “Be inspired & inspire. Spread your wings and continue to fly.. Continue to praise, glorify & put God in the center of all that you do…love you very much, Andres.”

Credit: @itsmecharleneg Instagram

Samantalang, sinabi naman ni Aga sa kanyang Instagram post na mami-miss niya ng sobra si Andres.

“My son, my partner, my gym partner,my buddy!! Summer well spent with you! Hope you had a blast as well. Enjoy your 2nd year in college. I’ll miss you and you know that. See you soon! Continue to be nice and kind. God loves you. We love you!!! Cheers, buddy! @aagupy” saad ni Aga.