Charlene Gonzalez at Aga Muhlach, naiyak sa iniwang sorpresa ng kanilang anak na si Atasha bago ito umalis papuntang UK

Magkahalong lungkot at saya ang nararamdaman ng celebrity couple na sina Charlene Gonzalez at Aga Muhlach sa pag-alis ng kanilang mga anak para mag-aral sa ibang bansa.

Credit: @agamuhlach317 Instagram

Pagkatapos kasing umalis ng kanilang unico hijo na si Andres para ipagpatuloy ang kanyang pag-aaral sa Spain, tumulak na rin kamakailan lamang papuntang United Kingdom ang kakambal nitong si Atasha.

Kaya naman bilang mga magulang, hindi mapigilan ng celebrity couple na malungkot dahil hindi muna nila makakasama ang kanilang mga anak ng ilang buwan.

Credit: @agamuhlach317 Instagram

Gayunpaman, masaya sina Charlene at Aga para sa kanilang kambal lalo na’t umalis ang mga ito para tuparin ang kanilang mga pangarap.

Samantala, wala namang kaalam-alam sina Aga at Charlene na may iniwan pa lang sorpresa para sa kanila si Atasha bago ito umalis ng bansa.

Credit: @agamuhlach317 Instagram

Labis na nagulat ang celebrity couple nang pag-uwi nila mula airport ay bumalaga sa kanila ang isang photo collage na ginawa ni Atasha para sa kanila.

Kalakip ng photo collage ay isang simpleng card kung saan nakasulat ang mga salitang, “To Mom + Dad- Tash.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Aga Muhlach (@agamuhlach317)

Na-touch naman sina Aga at Charlene sa ka-sweetan ni Atasha. Sa video, makikitang naiyak pa si Charlene. Nasambit naman ni Aga ang mga katagang, “Ang [email protected]!” habang tinitingnan ang kanilang mga masasayang family picture.

Credit: @agamuhlach317 Instagram

Mensahe naman ni Aga kay Atasha, huwag umano itong mag-alala sa kanila ni Charlene dahil kahit nalulungkot silang mag-asawa sa pag-alis nilang magkapatid, wala namang pagsidlan ang kanilang kasiyahan.

Credit: @agamuhlach317 Instagram

“@atashamuhlach_ you got us both!!! Kaw talaga! We already miss you ! Pls don’t worry about me and your mom. Enjoy your college and independence. Continue to be the person that you are. God is with you, ALWAYS! As much as it [email protected] my heart and your mom’s that both you and Andres will be away for a a long time, pls know in your hearts that we are the happiest for you both . Have fun!! Spread love and kindness! I love you very much my little princess and I will always miss you! Cheers to college life!!” saad ni Aga.

Credit: @agamuhlach317 Instagram

Emosyonal din si Charlene. Sa kanyang Instagram, ikwenento niya kung gaano ka-sweet na bata si Atasha. Kalakip ng post ni Charlene ay isang throwback video ni Atasha habang kumakanta.

Credit: @agamuhlach317 Instagram

“The way you will always look in Mama’s eyes.. @atashamuhlach_ Forever our babies. One of my favorite things was to ask you guys to sing & you would always be so kind enough to do so. This was a day when we went camping & even back then at an early age, you were painting, drawing & making art for us. Missing you love you very much Ate,” ani Charlene.

Credit: @agamuhlach317 Instagram

Sa ngayon, parehong second year college student na sina Atasha at Andres.