Cherie Gil, ginulat ang marami sa kanyang bagong look at ikwinento ang rason kung bakit niya ito pinagawa

Bago sa paningin at kakaiba sa nakaraan ang look na ibinida ni Cheri Gil bilang isang ‘cover girl’ sa pinakabagong issue ng Mega Magazine!

Credit: @mega_magazine Instagram

Sa kanyang career bilang isang successful at sikat na aktres sa lokal na industriya ng showbiz, hindi na halos mabilang ang mga pagkakataon na natunghayan ng karamihan sa atin ang iba’t-ibang look at haircut ni Cherie Gil na talaga namang super bagay sa kanya. Ngunit taliwas sa expectations ng karamihan, proud na ibinida ng aktres ang kanyang bongga, bago, at kakaibang look sa Mega Magazine.

Marami man ang nagsasabi na ‘crowning glory’ ng isang babae ang kanyang buhok, walang takot na tinapos ni Cherie ang stereotype na ito at ibinida ang kanyang ‘shaved head’ na talagang gumulat sa kanyang fans.

Hindi ito isang whim o biglaang desisyon para sa beteranang aktres dahil may baon na isang touching na kuwento si Cherie sa likod ng kanyang bagong look.

Credit: @mega_magazine Instagram

Katulad ng iba, minsan na rin nakaranas ng paghihirap si Cherie at sa kanyang journey ngayon tungo sa paghahanap ng kanyang sarili o kung tawagin niya bilang ‘rebirth,’ napagdesisyunan ng aktres na magkaroon ng pisikal na simbolo at ito ay ang pagshe-shave niya sa kanyang buhok.

“I won’t deny that I have gone to therapy and counseling. Years and years of doing that, I learned that it just boils down to doing the hard work on and with yourself by whatever means. What’s hair ‘di ba? It grows back. It’s symbolic to my personal growth,” saad ni Cherie.

Of course, sa malaking desisyon na ito ng beteranang aktres, talagang hindi maiwasan ng kanyang fans na makaramdam ng gulat ngunit buong-buo naman ang suportang ibinibigay nila para kay Cherie sa layunin nito na mahanap ang tunay na sarili.

Credit: @mega_magazine Instagram

“It’s one of my favorite covers now!!!❤️❤️❤️”

“She’s so gorgeous 🔥❤️”

“Bold brave beautiful bravo 🙌 “

“Cherie Gil is beautiful inside and out. Her talent is incomparable too, there’s no one like her. Thank you Mega Magazine for featuring her again. Love this! ❤️💕👍👏”

Credit: @mega_magazine Instagram

“THE BEST COVER! ICONIC!!”

Sa bago at kakaibang look na ito ng aktres, talagang pinatunayan niya ang kanyang katapangan na baguhin ang dating perception ng karamihan sa mga kababaihan.