Cherie Gil, ini-reveal na ibinenta niya ang lahat ng kanyang gamit at lumipad papuntang Amerika

Madalas man nating nakikita at natutunghayan sa telebisyon ang isang artista, nananatili pa rin ang katotohanang hindi natin sila lubusang kilala at maaaring nakatago pala sa kanyang ipinapakitang pagkatao sa harap ng kamera ang tunay niyang personalidad.

Credit: @macherieamour Instagram

Bilang isang fan, talagang determinado tayo na malaman ang lahat ng kaganapan sa buhay ng ating iniidolong artista ngunit may iilan pa rin na nananatiling sikreto at nalalaman lamang natin ito kapag napagdesisyunan na nilang ibunyag sa publiko ang kanilang sariling kuwento.

Kailan ba naging bago sa pandinig ng karamihan ang pangalan ni Cherie Gil? Sa ilang taon niyang pananatili sa showbiz, nagawa niyang maabot ang pinakatuktok sa kanyang career bilang isang aktres at ngayon ay isa sa mga artista na talagang hindi malilimutan sa industriya. Dahil sa kanyang matagumpay na career at madalas na nakikitang nakangiti kapag nakatutok sa kanya ang kamera, hindi kailanman sumagi sa isipan ng karamihan na may pinagdadaanan pala ang aktres.

Credit: @macherieamour Instagram

Kung iisipin, sadyang napakahirap ng buhay artista ngunit nanatili pa ring matatag si Cherie habang patuloy na nilalabanan ang bawat problema sa kanyang buhay pero umabot din sa point kung saan ay nasagad at nakaramdam ng pagod ang aktres. Sa loob ng napakahabang panahon niyang pananahimik, sa wakas ay nag-open up na si Cherie tungkol sa kanyang sarili.

Sa ekslusibong interview ng Mega Magazine kung saan ay isa siya sa ‘cover girl’ ng pinakabagong issue, ibinahagi ni Cherie ang kanyang kuwento sa likod ng kamera, pagsailalim niya sa counseling, at kung kumusta na siya ngayon habang nasa proseso ng kanyang healing.

“I just had to make sure that first and foremost, my mental, emotional, spiritual states were getting the priority,” pahayag ng aktres.

Credit: @macherieamour Instagram

Sa loob ng ilang taon niyang pagdudusa at nawala pa ang sarili habang dumadaan sa madilim na bahagi ng kanyang buhay, napagod din si Cherie sa kanyang sarili kaya napagdesisyunan niyang umalis ng Pilipinas.

Ayon sa kanya, “I was getting tired of myself. And I was just so angry and unhappy, so I sold everything and packed up.”

Kasalukuyan ngayong nasa New York at determinadong mag-umpisang muli, layunin ng aktres na hanapin ang totoong ‘siya’ at makahanap ng tunay na kasiyahan na ilang taon din niyang ipinagkait sa sarili.

Credit: @mega_magazine Instagram

“I’m completely finding myself and coming to terms with who I really am. It’s just great to have this opportunity and to be alive to start over,” sabi ni Cherie Gil.

Sa edad na 58, talagang pinatunayan ng aktres na hindi pa huli ang lahat upang lubos pa niyang makilala ang sarili.