Cherry Pie Picache, nilinaw sa isang netizen na hindi niya boyfriend ang kasama niya sa letrato kundi anak niya

Usap-usapan online ang pagtawag ng isang netizen sa beteranang aktres na si Cherry Pie Picache ng “cougar” o babaeng pumapatol sa mas bata sa kanya.

Credit: Cherry Pie Picache Instagram   

Si Cherry Pie ay tinawag na “c0ugar” matapos siyang mag-post ng larawan niya sa Instagram kasama ang isang guwapong binata.

Sa larawang ipinost ni Cherry Pie ay masaya siyang nakangiti habang nasa beach kasama ang nasabing guwapong binata.

Credit: Cherry Pie Picache Instagram

Ang nasabing Instagram post na ito ng aktres ay may kalakip na caption na, “Love building memories with this man @niotria ❤️❤️”

Makikita nga sa comment section ng Instagram post ni Cherry Pie ang komento ng nasabing netizen.
Sinabi ng netizen na isang ‘c0ugar’ ang beteranang aktres.

Saad ng nasabing netizen, “You ‘c0ugar’ you! Good for you. Enjoy life to the fullest.”

Tila wala namang hard feelings si Cherry Pie sa nasabing netizen sa kabila ng pagtawag nito sa kanya ng ‘c0ugar’.

Kalmado lamang ang pagsagot ni Cherry Pie sa maling akusasyon sa kanya ng nasabing netizen.
Sa kanyang tugon sa komento ng nasabing netizen, sinabi ni Cherry Pie na anak niya ang kasama niya sa larawan.

Credit: Cherry Pie Picache Instagram

“@pvera3 He is my son,” ani Cherry Pie.

Dagdag niya, “and the only man in my life.”

Dahil sa paglilinaw ni Cherry Pie kaya humingi ng tawad ang nasabing netizen.

Nag-sorry ang nasabing netizen sa beteranang aktres dahil sa kanyang maling interpretasyon sa larawan nito.

“@yesppicache i am very sorry for my wrong interpretation. Sorry again,” pahayag ng nasabing netizen.

Credit: Cherry Pie Picache Instagram

Dagdag nito, “May God continue to bless you both with endless love and togetherness.”

Marahil ay hindi nga kilala ng nasabing netizen ang napakaguwapong anak ni Cherry Pie na si Antonio Picache Tria na kasama nito sa larawan.

Si Antonio ay anak ni Cherry Pie sa kanyang non-showbiz partner na si Gary Tria.

Nagdiwang kamakailan si Gary ng kanyang ika-50 taong kaarawan. Pinili naman nilang magpamilya na sa Boracay i-celebrate ang kaarawan ni Gary. Katulad ng kanyang ina ay pumasok na rin si Antonio sa showbiz.

Nitong January 11, napanood at ipinakilala si Antonio o Nio bilang pinakabagong miyembro ng Squad Plus.

Credit: Cherry Pie Picache Instagram

Kasama ni Antonio sa Squad Plus ang orihinal na miyembro ng grupo na sina Francine Diaz, Andrea Brillantes, Kyle Echarri at Seth Fedelin.

Napapanood ang Squad Plus sa kanilang official YouTube channel na sa kasalukuyan ay mayroon nang mahigit 2 million subscribers.