Chesca Garcia at Doug Kramer, proud na proud sa kanilang panganay na si Kendra dahil sa tagumpay na nakamit nito sa pag-aaral

Proud na proud ang celebrity nanay na si Chesca Garcia-Kramer sa nakamit ng kanyang panganay na si Kendra sa online school nito.

Credit: @chekakramer Instagram

Ikwenento ni Chesca sa isang post sa Instagram na noong Agosto 9 lamang ay matagumpay na naipresenta ni Kendra ang kanyang portfolio sa isang panel.

Ayon pa kay Chesca, sobrang proud siya kay Kendra dahil nakita niya ang mga pagsisikap nito sa pagbuo ng kanyang portfolio kasama na ang isinulat nitong mahabang sanaysay o essay.

Credit: @chekakramer Instagram

“I asked Kendra if I could share the essay that she wrote for her portfolio presentation, and I am so glad that she said yes. She worked hard for this and I am mighty proud of her that she was able to pull through. This was not done over night, and she had to go through drafts, revisions, editing (esp when it would sound redundant) and constant reminders for her to use her vocabulary word,” kwento ni Chesca.

Credit: @chekakramer Instagram

Dagdag niya, “It took a lot of patience from her end to do her research and twine together her personal reflection-especially with all the back and forth corrections and revisions. A whole month to prepare and finish.”

Naniniwala naman si Chesca na magandang pagsasanay para kay Kendra ang magsulat ng isang sanaysay at maging ang mag-presenta sa isang panel.

Aniya, “This was very good practice for her because not only did she have to work hard to write her paper but she also had to present it to a panel.”

“She let out a big sigh of relief after she was done presenting. Made me feel her sweaty palms and her nervous thumping heart. Sharing what she wrote here because I think it is a good read. Over and beyond that I love how God is reflected in her work and see’s Him in all of creation,” dagdag niya.

Credit: @chekakramer Instagram

Samantala, maging ang retired PBA player na si Doug Kramer ay proud rin sa achievement ng kanyang panganay.

“College level! I love you @kramer.kendra!” komento ni Doug.

Bumuhos din ang papuri para kay Kendra mula sa mga netizen.

Credit: @chekakramer Instagram

“Impressive, Kendra! God bless you more”

“so impressed!”

“Wow beauty n brain”

“Wow! What an awesome substantive essay! What a stellar writer you are! Bravo!!!”