Chesca Garcia, ikwinento ang sinabi tungkol sa kanilang mag-asawa ng isa sa kanilang mga anak

Malaki ang impluwensiya ng isang magulang sa paglaki ng kanilang anak. Ang mga magulang kasi ang unang guro at huwaran ng isang bata. Kadalasan kung ano ang nakikita ng isang bata sa kanilang mga magulang ay sumasalamin kung paano nila tinitingnan ang mundo.

Credit: Chesca Garcia Kramer Instagram      

Kaya ganoon na lamang kasaya si TV actress Chesca Garcia nang marinig mula sa kanyang anak na nakakaramdam ito ng kaginhawaan sa tuwing nakikita niya ang kanyang mga magulang na nagmamahalan.

Hinahangaan sina Chesca at kanyang asawang si Doug Kramer ng lahat dahil sa kanilang maayos na pagpapalaki sa kanilang tatlong anak na sina Kendra, Scarlett at Gavin.

Credit: Chesca Garcia Kramer Instagram

At kamakailan lamang, ibinahagi ng aktres na sinabi sa kanya ng isa niyang anak na, “mama, when I see you and daddy loving each other everything feels right.”

Para naman kay Chesca, napakahalaga raw talaga para sa kanya na maiparamdam nila ni Doug sa kanilang mga anak na nagmamahalan sila.

Credit: Chesca Garcia Kramer Instagram

Alam daw kasi niya na malaki ang epekto sa kanilang mga anak kapag nakikita nila ang kanilang mga magulang na nagmamahalan.

Saad ni Chesca, “It is true though, when kids see their parents love each other it makes them feel secured, happy, good and very much loved.”

Credit: Chesca Garcia Kramer Instagram

Dagdag pa ni Chesca, “The family is a masterpiece of Gods creation. When we love each other well as husband and wife our children see that and they see Gods goodness and it gives them a glimpse of Jesus Christ love and devotion for all of us.”

Credit: Chesca Garcia Kramer Instagram

Samantala, sa kanyang naunang post ay ikwenento ni Chesca ang sekreto kung bakit matatag at long-lasting ang kanilang pagmamahalan ni Doug.

Ayon kay Chesca, kaya umano maayos ang pagsasama nila ni Doug dahil nasa sentro ng kanilang relasyon ang Diyos.

Credit: Chesca Garcia Kramer Instagram

Aniya, “The more I got to know our heavenly Father’s heart & his love for me, it brought peace to my troubled heart…My walk with the Lord has helped me so much with my marriage. When my husband and I were new in our marriage we would have arguments, but I can say now we try to have healthy discussions, & work on solutions to resolve our differences.”

Para kay Chesca, “ultimate guide” umano nila ang Diyos para tumatag ang pagsasama nila ni Doug.

Credit: Chesca Garcia Kramer Instagram

“Above all, I do it to honor God who has blessed me with a wonderful partner, beautiful kids, & best of all, a family I can call mine. My heart has exhaled from all the things that were choking me. I thank the Lord for being my ultimate guide, the perfect example & model in my life. Who better to look up to!❤️,” pag-amin pa ni Chesca.

Credit: Chesca Garcia Kramer Instagram

Nitong October 9, ay ipinagdiwang nina Chesca at Doug ang kanilang 12th wedding anniversary.