Hindi maikakaila na naging bahagi na ng ating buhay ang social media lalo na ngayong tayo ay nasa p@ndemic at karamihan sa mga interaksyon at komunikasyon natin sa ibang tao ay ginagawa online.
Credit: @chekakramer Instagram
At ngayong talamak ang paggamit ng social media lalo na sa mga kabataan na bahagi ng karamihan na laging ‘online’, hindi maikakailang mas malaking hamon ang parenting o pagpapalaki para sa ilang magulang.
Kahit kasi mayroong maraming benepisyo ang social media, marami rin itong negatibong epekto lalo na sa ating mental health.
Kaya naman parami nang parami ang mga magulang na mino-monitor ang paggamit ng social media ng kanilang mga anak lalo na kung menor de edad pa ang kanilang mga anak at nangangailangan pa ng gabay.
Credit: @chekakramer Instagram
Ngunit maraming magulang pa rin ang hinahayaan ang kanilang anak na gumamit o magkaroon ng sariling social media. Kabilang dito ang celebrity parents na sina Cheska Garcia at Doug Kramer.
Lingid sa kaalaman ng marami, pinagkakatiwalaan ng celebrity parents ang kanilang panganay na anak na si Kendra na mamahala ng sarili nitong Instagram account.
Kamakailan ay nagkaroon ng pagkakataon sina Cheska at Doug na ibahagi ang dahilan kung bakit nila hinahayaan si Kendra na kasalukuyang 12 taong gulang na magkaroon at pamahalaan ang kanyang Instagram account.
Credit: @chekakramer Instagram
Kwento ng dating aktres at ngayon ay hands-on mom of 3 sa podcast ng vloggers na sina Kryz Uy at Slater Young na “Skypodcast”, gusto lang ng kanilang panganay na ibahagi ang ilang pangyayari sa kanyang buhay nang hindi iniisip ang dami ng ‘likes’ na nakukuha niya mula sa mga tao.
Giit pa ni Cheska, lagi nilang pinapaalalahanan ang kanilang mga anak na hindi lahat ng tao ay may gusto sa kanila. Kaya naman parati umano nilang sinasabi sa mga ito na ang ‘validation’ tungkol sa kanilang mga sarili ay hindi nanggagaling sa ibang tao.
Sa pamamagitan ng pagpapaalala sa katotohanang ito, ayon sa celebrity couple ay matutulungan nila ang kanilang mga anak na manatiling mapagkumbaba lalo na sa gitna ng nakukuha nilang atensyon mula sa netizens.
Credit: @chekakramer Instagram
“We always tell them, ‘you know in this world you can’t expect everybody to like you, to love you. There are people who don’t like you,'” kwento ni Cheska.
“We always tell her, ‘Kendra, you don’t get validation from people’. You get validation from the Lord and that should be your foundation. Yeah, you can post pictures. Yeah, there will be people who will comment, ‘wow ang galing galing mo, ang ganda ganda mo’. Okay, thank you. But don’t let it be your everything,'” dagdag niya.
Kasalukuyang mayroong mahigit 200K followers si Kendra sa Instagram. Bukod kay Kendra, may dalawa pang anak ang celebrity couple na sinusundan din ng netizens at ito ay sina Scarlet at Gavin.