Cheska Garcia, sinabi sa panganay na si Kendra na mas maganda siya kahit walang filter ang mga letrato niya

Hindi maikakaila na marami ang humahanga sa panganay na anak ng celebrity couple na sina Cheska Garcia at Doug Kramer na si Kendra.

Credit: @kramer.kendra Instagram

Mula pagkabata hanggang ngayon na malapit na siyang magdalaga, isa si Kendra sa mga pinakaminamahal at sinusubaybayang celebrity kids sa social media.

Updated din ang netizens sa buhay ni Kendra dahil sa kanyang mga Instagram update at vlogs kung saan ay kasama pa niya ang kanyang mga kapatid na sina Scarlet at Gavin.

Sa katunayan, pinupusuan ng libu-libo niyang followers sa Instagram ang mga larawan ni Kendra na nagpapakita ng kanyang likas na kagandahan.

Credit: @kramer.kendra Instagram

Agaw-pansin nga naman ang taglay na ganda ni Kendra lalo pa’t namana niya ang good looks ng kanyang mga magulang.

Ngunit kamakailan ay isang payo ang iniwan ng kanyang Mommy Cheska para kay Kendra, at ito ay hindi niya itago ang kanyang kagandahan sa likod ng mga camera filter.

Mahilig mag-selfie si Kendra at kamakailan lamang nang ibahagi niya ang isang serye ng mga larawan kuha mula sa kanilang tahanan.

Credit: @kramer.kendra Instagram

Caption ni Kendra sa kanyang post, “Mirror mirror on the wall.”

Pero bukod sa kagandahan ni Kendra sa mga larawan, ang nakatawag ng atensyon ng netizens ay ang naging komento ni Cheska patungkol sa paggamit ng kanyang panganay ng camera filter.

Pahayag ni Cheska, “Don’t hide your beauty with filters! I like your pictures better without it.”

Credit: @kramer.kendra Instagram

Dagdag pa niya, “Just my honest opinion. I always tell you that.”

Tugon naman ni Kendra sa komento ng kanyang Mommy Cheska, “Ok sure [heart emoji]”

Dahil dito, kaya naman umani ng maraming likes mula sa netizen ang payo ni Cheska para sa kanyang panganay.

Credit: @kramer.kendra Instagram

Samantala, kamakailan lamang ay ipinahayag nina Doug at Cheska kung gaano sila ka-proud para kay Kendra sa pagtatapos nito ng grade school.

“Never too late to appreciate our kids accomplishments. Today @kramer.kendra graduated from Grade 6 into high school. No amount of words are enough to describe how proud we are of our little girl. Keep shining for God and being an example to your siblings. I love you kennykins!” saad ng dating PBA player.