Child star na nakilala bilang si Ningning na si Jana Agoncillo, nagpapatayo ngayon ng sariling bahay sa kanyang murang edad

Nagsisilbing inspirasyon ngayon sa kanyang mga tagahanga si Kapamilya child actress Jana Agoncillo. Nakakabilib kasi ang child actress dahil sa murang edad ay nagpapatayo na ito ng bahay.

Credit: Jana Agoncillo Instagram      

Isa si Jana sa mga hinahangaang child actress ng kanyang henerasyon. Sa murang edad ay nagpamalas na ng kakaibang husay sa pag-arte si Jana. Nakilala si Jana dahil sa kanyang pagganap sa maraming Kapamilya show.

Credit: Jana Agoncillo Instagram

Mas tumatak si Jana sa lahat dahil sa mahusay niyang pagganap sa kanyang karakter sa Kapamilya TV series na “Dream Dad” kasama sina Zanjoe Marudo at Beauty Gonzales.

Credit: Jana Agoncillo Instagram

Matatandaang noong 2015 ay hinirang si Jana ng kilalang award-giving body sa Pilipinas na PMPC bilang “Best New Female TV Personality”.

Credit: Jana Agoncillo Instagram

Sa ngayon, ay 11 taong gulang na si Jana at proud siya dahil sa kanyang kasipagan sa pagtatrabaho ay unti-unti na niyang natutupad ang pangarap niyang magkaroon ng sariling bahay.

Sa kasalukuyan kasi ay ipinapatayo na ni Jana ang kanyang pangarap na bahay. Kahit maliit lang ay proud si Jana sa kanyang malaking achievement dahil talagang nagsikap siya para makamit ito.

Credit: Jana Agoncillo Instagram

Hindi man kalakihan ang naipatayong bahay ni Jana ay nagpapasalamat pa rin siya sa Diyos dahil may masisilungan na raw ang kanyang pamilya.

Credit: Jana Agoncillo Instagram

Sa isang Instagram post nitong September 14, ibinahagi ni Jana ang larawan ng kanyang ipinapatayong bahay. Makikita sa larawan na kasisimula pa lang ng konstruksyon ng bahay.

Ani ni Jana sa caption ng IG post, “Kahit maliit basta galing sa marangal at pinagsikapan mo just proud & grateful. Thank you Jesus for ma]king way and aligning everything I love you Jesus may masisilungan na kami. TO GOD BE ALL THE GLORY.”

Credit: Jana Agoncillo Instagram

Masayang-masaya naman ang mga tagahanga ni Jana. Sa comment section ng kanyang IG post, ay bumaha ang congratulatory message mula sa kanya mga tagahanga. Anila:

“Congrats Jana. Well-deserved.”

“Congrats Jana! Akways be humble, stay as sweet as you are and remain a very loving daughter to your Mom.”

“congrats!!!! and Thank you GOd for the blessings”

Sa ngayon, ay pokus muna si Jana sa kanyang pag-aaral.

Credit: Jana Agoncillo Instagram

Sa isang larawan na ibinahagi ni Jana sa Instagram nitong October 4, makikita siyang nag-oonline class.

Caption ni Jana sa IG post, “Laban para sa Pag-aaral. Hindi lang kabataan ang Pag-asa ng Bayan kundi tayong lahat po ang totoong pag-asa ng Bayan kailangan magtulungan para sumulong. #TheNewNormalforSchool #FirstDayofOnlineClass”

Credit: Jana Agoncillo Instagram

Huling napanood si Jana sa Kapamilya drama series na “Starla” noong nakaraang taon.