Talagang may nararamdaman tayong awtomatikong kaba kapag hindi natin nakakapa ang ating cellphone sa bulsa o kapag hindi kaagad na nahahanap ang wallet sa ating bag pero para kay Chito Miranda, hindi umano siya nabahala nang nawala ang kanyang pitaka kumakailan lamang.
Credit: @chitomirandajr Instagram
Sa pinakabagong post ng Parokya ni Edgar frontman na si Chito Miranda, nagbahagi siya ng magandang kuwento nang nagpunta siya sa Pico de Loro, Batangas kung saan ay may mga bayarin siyang inasikaso at tumambay din sa beach pero nang nakauwi sa Alfonso, doon na umano niya napansin na nawawala na ang kanyang pitaka.
“Pag-uwi ko sa Alfonso, napansin ko na nawawala yung wallet ko,” aniya.
Credit: @chitomirandajr Instagram
Dagdag pa ni Chito, “Honestly, hindi ako na-stress kasi feeling ko babalik din naman sya sa akin. After checking with our caretakers sa condo, the bldg admins, pati yung mga head ng beach club, they sadly informed me na wala daw silang nahanap na wallet.”
Kahit na’y hindi nahanap ang nawawalang wallet, may pakiramdam pa rin talaga si Chito na maibabalik rin ito sa kanya pero para safe, mas minabuti niyang i-block na lamang ang lahat ng kanyang cards.
Makalipas ang isang araw matapos mawala ang kanyang pitaka, may nag-message umano sa kanila ng kanyang asawa na si Neri Naig-Miranda at nagsabing napulot umano ng kanyang asawa ang wallet ni Chito sa kalye. Ayon kay Chito, baka umano nahulog ito habang nagda-drive siya ng scooter.
Credit: @chitomirandajr Instagram
Bagama’t hindi man ibinunyag ni Chito ang pangalan ng mga taong nagsauli sa kanyang wallet, sinabi niya na driver umano sa isang construction company ang ‘good samaritan’. Labis na paghanga at kasiyahan din ang nararamdaman ni Chito dahil kumpleto umano ang cash at cards.
Dahil dito, mas naniniwala pa ngayon ang Parokya ni Edgar frontman na mas madami pa rin talaga ang mga taong tapat sa mundo.
Credit: @chitomirandajr Instagram
Ayon kay Chito, “Naniniwala talaga ako na mas madami pa rin talagang mabubuting tao sa mundo.❤”
Talagang may pinatunguhan ang tiwala ni Chito Miranda na maibabalik din ang kanyang pitaka.