Chito Miranda, pinagalitan ang misis na si Neri Naig matapos itong bumili ng bagong condo na hindi ipinapaalam sa kanya!

Si Neri Naig ay isa sa mga inspirasyon ng mga kababaihan ngayon matapos siyang makapagpundar ng mga ari-arian at makapagpatayo ng mga negosyo mula lamang sa pagbebenta ng mga tuyo at kung anu-ano online.

Credit: @mrsnerimiranda Instagram

Madalas din siyang ipagmalaki ng kanyang mister na si Chito Miranda dahil sa kanyang pagiging madiskarte at wais na misis.

Ngunit noong Marso 2, ibinunyag ni Neri sa isang Instagram post na pinagalitan umano siya ni Chito matapos malaman nito na bumili siya ng bagong condo.

Kalakip ng kanyang mahabang caption ay ang litrato ng isang swimming pool na kinunan mula sa condo unit na nabili niya sa Quezon City.

Credit: @mrsnerimiranda Instagram

Kwento ni Neri, hindi alam ni Chito na bumili siya ng bagong condo. Kaya naman nang makatanggap ito ng isang e-mail mula sa developer ng condo unit na kinuha niya ay kinompronta siya nito.

Ani Neri, “Kapag may kinikita ako sa mga negosyo ko, nirere-invest ko para mas mapalago ko pa. Kagaya ng condo na ‘to, nabili ko sya preselling pa lang kaya nakaya ko yung monthly payment. Di nga lang alam ng asawa ko na bumili ako nung una, nahuli na lang ako nung nag [e-mail] sa kanya yung developer ng Congratulations for buying a new condo!”

Dagdag niya, “Nalagay ko kase sa form yung email add ng asawa ko. Malay ko ba na i-email din sya! Hahaha! Sabi na lang ng asawa ko, may nag email sa akin, bumili raw ako ng condo, di naman. Sabay tingin sa akin, di ka naman bumili ng condo no?”

Credit: @mrsnerimiranda Instagram

Pinagalitan nga raw siya ni Chito dahil baka hindi umano niya mabayaran at masayang lamang ang kanyang pera. Wala namang nagawa si Neri nang mahuli siya ni Chito kundi ang mapangiti na lamang.

Saad ni Neri, “Napangiting huli na lang ako, haha! Pinagalitan talaga ako ng asawa ko kase baka di ko raw mabayaran at masayang pera ko.”

Credit: @mrsnerimiranda Instagram

Gayunpaman, ayon kay Neri, nag-alala lang si Chito sa una dahil ngayon umano ay gusto na nito ang nabili niyang condo unit dahil na rin maganda ang lokasyon nito.

Ani Neri, “Fast forward, ayan ngayon, siya nag aasikaso ng condo, at gusto nyang bilhin sa akin ang condo dahil ang ganda ng location, very accessible sa lahat. Tabi pa ng mga malls, as in lalakarain lang.”

Credit: @mrsnerimiranda Instagram

Giit naman ni Neri, sarili niyang pera ang kanyang ginamit upang ipambayad sa condo unit. Hinikayat din ni Neri ang bawat babae na magkaroon ng sarili nilang pera o ipon.

Credit: @mrsnerimiranda Instagram

Sa huli, nilinaw ni Neri na nagsimula lamang siya sa maliit na puhunan sa kanyang negosyo kaya hindi imposible para sa ibang mga kababaihan na makamit din ang kanyang mga nakamit bilang isang babae at negosyante.