Chito Miranda, proud sa asawang si Neri Naig dahil nakabili ito ng 6000sqm na lupa na katas ng kanyang pag-oonline selling

Hindi maiwasang ipagmalaki ng lead vocalist ng bandang Parokya ni Edgar na si Chito Miranda ang kanyang asawang si Neri Naig.

Credit: Chito Miranda Instagram

May bagong achievement kasi na natamo si Neri dahil sa kanyang pagsisikap na magbenta ng iba’t ibang produkto online. Dahil sa pag-oonline selling ay nakabili si Neri ng 6000 square meters na lupa.
Sa kanyang Instagram, ibinahagi ni Chito ang larawan ng nabiling lupa ni Neri.

Credit: Chito Miranda Instagram

Aminado si Chito na hindi niya kayang bumili ng napakalawak na lupa kagaya ni Neri kahit pa kumikita siya mula sa kanyang pagbabanda.

Credit: Chito Miranda Instagram

Caption ng Instagram post ni Chito, “Bumili si Neri ng 6000sqm na lupa…langya. Ako, kumikita pa rin ako sa pagbabanda. Thankfully, we still get our full TF for all our online shows. Nakakapag-provide pa rin ako for our family, at nabibili ko pa rin naman yung mga gusto kong baril. Pero di ako makakabili ng 6000sqm na lupa.”

 

View this post on Instagram

 

Bumili si Neri ng 6000sqm na lupa…langya. Ako, kumikita pa rin ako sa pagbabanda. Thankfully, we still get our full TF for all our online shows. Nakakapag-provide pa rin ako for our family, at nabibili ko pa rin naman yung mga gusto kong baril. Pero di ako makakabili ng 6000sqm na lupa. She did this, after nya bilin yung lupa dito sa village na gusto ko, at yung condo nya sa Pico de Loro. Grabe. Tawagin nyo nang pagmamayabang dahil pinagmamalaki ko yung ginagawa ng asawa ko, or sabihin nyo nang nai-inggit ako dahil mas malaki na yung income nya compared to what I was making, even before the lockdown started…ok lang. For me, sobrang proud lang talaga ako (paano ako magyayabang, eh achievements nya yan…not mineβœŒπŸΌπŸ˜‚), and instead na inggit, I’m honestly inspired by what she is doing. Katas yan ng tuyo at kape…at ng suka, at ng beddings, at ng affordable na alahas, pajama, and soon, her own online shop. And recently, nakabenta sya ng 15 na lupa in less than a week…by utilizing her #teamwais network of resellers and distributors by making them referral agents for a licensed real estate company. All this was done online. At kung sasabihin ng iba na si Neri lang naman yung umuunlad, at dahil artista kasi sya…ang tanong ko is: una, sobrang sikat ba ni Neri to entirely use that as an advantage? At baka di lang din nila nabalitaan yung isang reseller ni Neri na nakabili ng dalawang sasakyan (isang car at isang van na pampick-up at pan-deliver ng tuyo) at yung isa naman na nakabili ng townhouse. Hindi artista yung mga yun, and online selling lang din yung ginawa nila…pero t*ngina, sobrang sipag nung mga yun. Bakit ka mahihiya mag-benta online, eh kung makakabili ka naman ng dalawang sasakyan? Mahihiya ka ba na panay benta mo sa FB at IG, pero may townhouse ka naman? Kung tulad ka ni Neri na walang paki sa sasabihin ng iba, at handa kang tutukan at paghirapan yung goals mo, umasa ka na magagawa mo din yung ginagawa nila. #WaisNaMisis Ako honestly, na-inspire na din ako gawin yung ginagawa ng asawa ko…actually, gusto ko syang tapatan! Gusto kong bumili ng mas malaking lupa hehe! Tara…gawin na natin ‘to. #MasWaisNaMister #TeamChito

A post shared by Chito Miranda (@chitomirandajr) on

Ayon kay Chito, binili raw ni Neri ang lupa pagkatapos nitong mabili ang lupa sa isang village na gusto ni Chito at ang condo ni Neri sa Pico de Loro.

Credit: Chito Miranda Instagram

Ikwenento pa ni Chito na sobrang proud siya sa kanyang asawa at imbes na mainggit sa mga natamo ni Neri ay mas na-inspire pa raw siya dahil sa natamo ng asawa.

Ani Chito, “For me, sobrang proud lang talaga ako (paano ako magyayabang, eh achievements nya yan…not mineβœŒπŸΌπŸ˜‚), and instead na inggit, I’m honestly inspired by what she is doing.”

Ang lupang nabili ni Neri ay katas daw ng ibinebenta nitong tuyo, kape, suka, beddings, affordable na alahas at pajama.

Credit: Chito Miranda Instagram

Bukod sa pagbebenta ng iba’t ibang produkto, ay nagbebenta rin umano si Neri ng lupa. Sa katunayan, sa loob lang daw ng isang linggo ay nakabenta na si Neri ng 15 lupa.

Kwento pa ni Chito, lahat daw ng pagbebenta ay nangyari online.

Credit: Chito Miranda Instagram

May bwelta rin si Chito sa mga nagsasabi na dahil artista si Neri kaya ito umuunlad.

Credit: Chito Miranda Instagram

Ani Chito, “At kung sasabihin ng iba na si Neri lang naman yung umuunlad, at dahil artista kasi sya…ang tanong ko is: una, sobrang sikat ba ni Neri to entirely use that as an advantage? At baka di lang din nila nabalitaan yung isang reseller ni Neri na nakabili ng dalawang sasakyan (isang car at isang van na pampick-up at pan-deliver ng tuyo) at yung isa naman na nakabili ng townhouse. Hindi artista yung mga yun, and online selling lang din yung ginawa nila…pero t*ng!na, sobrang sipag nung mga yun.”

Credit: Chito Miranda Instagram

Sa huli, ay may mensahe si Chito para sa lahat. Aniya, “Kung tulad ka ni Neri na walang paki sa sasabihin ng iba, at handa kang tutukan at paghirapan yung goals mo, umasa ka na magagawa mo din yung ginagawa nila.”