Chynna Ortaleza-Cipriano, ‘kuskos’ at ‘prayers’ lang ang sekreto sa napakaputi at napakakinis niyang kili-kili

Ang bongga ng kili-kili ni Kapuso actress Chynna Ortaleza na usap-usapan ngayon sa social media.
Ibinandera kamakailan ni Chynna sa madlang pipol ang kanyang kili-kili sa kanyang Instagram account.

Credit: @chynsortaleza Instagram

Nagbahagi ang aktres ng isang swimsuit photo kuha mula sa isang beach sa Nasugbu, Batangas. Matatandaan na hindi pa naman summer, nagbakasyon na sila ng kanyang mister na si Kean Cipriano kasama ang kanilang dalawang anak sa beach.

Ipinasilip naman ni Chynna sa kanyang IG ang mga masasayang larawan nila ng kanyang pamilya habang nagbabakasyon.

Siyempre, nag-photoshoot din si Chynna at ang resulta ay ang nasabing swimsuit photo niya.
Ngunit bukod sa manipis na tiyan at s3xy figure, agaw-pansin sa larawan ang napakakinis at napakaputing kili-kili ni Chynna.

Ilang netizens nga ang nagkomento at humingi ng “kili-kili secret reveal” kay Chynna.

Credit: @chynsortaleza Instagram

Hindi naman mapigilan ng maraming netizens na mapa-sana all nang i-reveal ni Chynna na ‘kuskos’ at dasal lang ang puhunan niya para ma-achieve ang isang napakagandang kili-kili.

“Fished out my beach keepsake from years back.. and boom it fits ghorl! Plus my kilikili is making a comeback. Natural yan. Kuskos & prayers lang,” caption ni Chynna sa kanyang swimsuit photo.

Maraming nanay ang namomroblema kung paano maibabalik sa dating itsura o sa dating kulay ang kanilang kili-kili pagkatapos nilang manganak. Lingid sa kaalaman ng lahat, dumaranas sa maraming pagbabago ang iba’t ibang bahagi ng katawan ng isang babae tuwing siya ay nagbubuntis, tulad ng kanilang kili-kili.

May paniniwala naman ang maraming nanay na kapag lalaki ang kanilang ipinagbubuntis ay mas nangingitim ang kanilang kili-kili. Pero kung siyensa naman ang tatanungin, ang pangingitim ng kili-kili ng isang tao ay dahil sa hormonal imbalance, na madalas nararanasan ng mga babaeng buntis.

Credit: @chynsortaleza Instagram

Samantala, aminado si Chynna na nag-iba ang itsura at kulay ng kanyang kili-kili matapos niyang ipagbuntis ang ikalawang anak nila ni Kean na si baby Salem.

Sa isang reply, ibinahagi ni Chynna na naghintay siya nang matagal para bumalik sa dati ang kanyang kili-kili.

“Tagal ko yang hinintay. Iba ang darkness ng baby boy e,” bahagi ni Chynna.

Credit: @chynsortaleza Instagram

Isinilang ni Chynna ang baby boy nila ni Kean noong September 2019.