Ciara Sotto, nagkaroon ng simpleng 41st birthday celebration kasama ang ilan sa mga mahal sa buhay

Kilala si Ciara Sotto bilang isa sa mga sikat na aktres sa industriya ng showbiz ngayon. Bukod sa katotohanang siya’y artista ay kilala rin si Ciara bilang anak ng isa sa mga Senador ng Pilipinas na si Tito Sotto at ang asawa nitong si Helen Gamboa.

Credit: @pinaypole Instagram

July 2, 2021 nang ipinagdiwang ng aktres ang kanyang 41st birthday kasama ang mga magulang, ilang kamag-anak, at ang anak nito na si Crixus na ngayon ay anim na taong gulang na.

Sa simpleng celebration para sa birthday ni Ciara ay hindi niya inaasahang makakatanggap siya ng malaki at magandang sunflower galing sa unico hijo na si baby Crixus.

Credit: @pinaypole Instagram

Sa post ni Ciara sa kanyang Instagram ay nagpahayag siya ng pasasalamat sa anak na si Crixus at sa kanyang pamilya na kasama niya sa pag-celebrate ng kanyang espesyal na araw.

Credit: @pinaypole Instagram

“Thank you Lord Jesus for this very special birthday celebration with the people I love the most!🤍 Thank you, my dear family, for showing me extra love tonight! I love each and every one of you with all of my heart! Beyond grateful to God for all of you. You make me super duper happy! 🤍🤍🤍🥰🥰🥰,” pahayag ni Ciara sa kanyang caption.

Credit: @pinaypole Instagram

Binati rin si Ciara ng kapwa celebrities katulad na lamang nila Angel Locsin, Paolo Ballesteros, Ryan Agoncillo, at Sunshine Cruz.

“Happy birthday, ate❤️,” pagbati ni Angel Locsin.

“Happy birthday labyuuu,” komento ni Paolo Ballesteros.

Credit: @pinaypole Instagram

“Happy Birthday❤️,” pagbati naman ni Ryan Agoncillo.

“Happy Birthday Ciara ❤️🎂🎈,” sabi naman ni Sunshine.

Sa ibang post ay makikita rin sa mga larawang ibinahagi ni Ciara sa kanyang Instagram account ang kanyang magandang glow noong celebration ng kanyang kaarawan. Nakasuot siya ng puting dress na sa unang tingin ay super s3xy lalo na sa likuran, pero elegante at wholesome pa rin ang dating kay Ciara.

Credit: @pinaypole Instagram

“Still on a birthday high!!! 🥰😍😘🌻🤍”

Sa katotohanang lagpas 40 na si Ciara ay hindi naman ito mapaghahalataan sa kadahilanang nananatiling bata ang kanyang mukha at dahil na rin sa pagiging fit ng kanyang katawan kung kaya’t ganoon na lamang ang paghangang naramdaman ng netizens lalo ng kanyang mga fans.

Credit: @pinaypole Instagram

Talagang pinatunayan ni Ciara Sotto ang katagang “Age like fine wine”. Happy Birthday, Ciara!