Classy na artista van ni Heart Evangelista, ipinasilip niya sa kanyang mga tagahanga

May mga tao talaga na hindi na kinakailangang magbigay pa ng todo effort upang magmukhang classy dahil natural na sa kanila ang pagiging stylish na tila’y nagra-radiate na sa kanyang personality at sumasalamin na sa lahat ng mga bagay na kanyang pag-aari.

Credit: Love Marie Escudero YouTube

Maliban sa pagkakakilanlan ni Heart Evangelista bilang isa sa mga mahuhusay na aktres sa lokal na industriya ng showbiz, labis din siyang hinahangaan ng karamihan dahil sa pagiging fashion icon niya. Dahil sa kanyang rich na taste sa fashion, palagi talagang inaabangan ng lahat ang kanyang OOTDs at preferences sa mga bag at sapatos pati na sa accessories.

Dahil sa pagiging natural ni Heart bilang isang fashion icon, tila’y sumasalamin na ito sa kanyang buhay dahil ginawa lang naman niyang signature ang pagiging minimalist. Sa katunayan, hindi lamang outfits niya ang aesthetic dahil pati ang design ng bagong bili niyang van ay nagsilbi na ring reflection sa pagiging fashionista niya!

Bilang isang sikat na TV personality, marami talaga ang nakakakilala kay Heart pero iilan lamang ang mga taong expert sa preferences at taste ng aktres at isa na nga sa mga ito ay ang kanyang kaibigan at fashion designer na si Mark Bumgarner dahil kuhang-kuha lang naman ang bawat detail na sobrang bet ni Heart para sa kanyang artista van.

Sa latest na vlog ni Heart, ipinasilip niya sa publiko ang kanyang artista van na nagsusumigaw lang naman ng pagiging classy at stylish dahil mula sa kanyang divider, customized na seats, couch, vanity mirror at closet ay nagpapakita talaga kung gaano ka-big fan ang aktres sa minimalism.

Credit: Love Marie Escudero YouTube

Pagkukuwento ng aktres, gustong-gusto umano niya ng van dahil sa pagiging demanding ng kanyang work at bagama’t may nakahanda man na tents kung saan pwedeng makapagpahinga ang mga artista kapag may shoots, exclusive at mas comfortable umano siya kapag nagre-relax sa loob ng kanyang artista van.

Credit: Love Marie Escudero YouTube

“I’ve always loved having vans because of the nature of my work. We always have long hours from 4 AM sometimes to 12 noon in the next day. Growing up in showbiz, that’s how it was,” ayon kay Heart.

At dahil madalas niyang gagamitin ang kanyang artista van, nais talaga ni Heart na “feel at home” siya kahit nasa trabaho o nasa byahe kaya sinigurado talaga niyang ramdam niyang extension ito sa kanyang home.

Credit: Love Marie Escudero YouTube

Of course, dahil classy ang owner, aesthetic at stylish din dapat ang artista van!